Ang Magandang Balitang Hatid ni Timoteo
6 Ngayon, nakabalik na sa amin si Timoteo at dala niya ang magandang balita tungkol sa pananampalataya at pag-ibig ninyo, ang magagandang alaala ninyo tungkol sa amin, at ang pananabik ninyong makita kami gaya ng pananabik namin sa inyo. 7 Dahil dito, mga kapatid, napasigla kami ng inyong pananampalataya sa kabila ng mga paghihirap at pagdurusa namin. 8 Nabubuhayan kami ng loob dahil alam naming matatag ang inyong pananampalataya sa Panginoon. 9 Anong uring pasasalamat ang maibibigay namin sa Diyos dahil sa kagalakang dulot ninyo sa amin? 10 Araw-gabi, taimtim naming ipinapanalangin na makasama ulit kayo upang maturuan kayo at mapunan namin ang anumang kakulangan sa inyong pananampalataya.
11 Nawaʼy dalhin kami ng Diyos nating Ama at ng Panginoong Hesus sa inyo sa lalong madaling panahon. 12 Nawaʼy bigyan kayo ng Panginoon ng higit pang pag-ibig para sa bawat isa at sa lahat ng tao, gaya ng nag-uumapaw na pag-ibig namin para sa inyo. 13 Sa ganitong paraan magiging malakas ang loob ninyo, at magiging banal at walang kapintasan ang inyong buhay sa harapan ng Diyos sa araw ng pagbabalik ng ating Panginoong Hesus kasama ang mga pinili niya. Amen.