3 Nais ng Diyos na maging banal kayo, kaya lumayo kayo sa seksuwal na imoralidad. 4 Dapat ay matutong magpigil ang bawat isa sa sarili niyang katawan sa banal at marangal na pamamaraan, 5 at hindi sa makamundong pagnanasa katulad ng ginagawa ng mga hindi kumikilala sa Diyos. 6 Huwag ninyong abusuhin o kayaʼy pagsamantalahan ang inyong kapatid sa bagay na ito dahil paparusahan ng Panginoon ang sinumang gumagawa ng mga ito, tulad ng mahigpit naming babala sa inyo noon pa. 7 Tinawag tayo ng Diyos upang mamuhay sa kabanalan, hindi sa kahalayan.
Publicidade
Publicidade