Publicidade

2 Timóteo 3

1 Tandaan mo ito: Magiging mahirap ang mga huling araw, 2 dahil magiging makasarili ang mga tao, sakim sa salapi, mayabang, mapagmataas, mapanlait, masuwayin sa magulang, walang utang na loob, at hindi maka-Diyos. 3 Wala silang pagmamahal sa kapwa, ayaw nilang makipagkasundo sa kaaway nila, malupit, walang awa, mapanira sa kapwa, walang pagpipigil sa sarili, at galit sa anumang mabuti. 4 Hindi lang iyan, mga taksil sila, mapusok, mapagmataas, mahilig sa kalayawan, sa halip na maibigin sa Diyos. 5 Ipinapakita nilang maka-Diyos sila ngunit hindi naman nakikita ang kapangyarihan nito sa buhay nila. Iwasan mo ang mga taong ganito.

Veja também

2 Timóteo
Ver todos os capítulos de 2 Timóteo
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-