Pular para o conteúdo
Publicidade

Amos 5

Ang Panawagan sa Pagsisisi

1 Mga Israelita, pakinggan nʼyo itong panaghoy tungkol sa inyo:

2 "Ang Israel na katulad

ng isang babaeng birhen

ay nabuwal at hindi na

muling makabangon.

Pinabayaan siyang nakahandusay

sa sarili niyang lupain

at walang tumutulong

para ibangon siya."

3 Ito ang sinabi ng Makapangyarihang Panginoon,

"Sa isang libong sundalo na ipapadala

ng isang lungsod sa ,

isang daan na lang ang matitira.

At sa isang daang sundalo

na kanyang ipapadala,

sampu na lang ang matitira."

4 Ito ang sinasabi ng Panginoon sa :

"Dumulog kayo sa akin

at mabubuhay kayo.

5 Huwag na kayong pumunta sa ,

sa , o sa Beer-seba,

upang sumamba roon.

Sapagkat siguradong bibihagin

ang mga mamamayan ng

at mawawala ang ."

6 Dumulog kayo sa Panginoon,

kayong mga lahi ni Jose,

at mabubuhay kayo.

Dahil kung hindi, lulusubin kayo

na parang apoy.

Kaya malilipol ang

at walang makakapigil nito.5:6 Kaya malilipol … makakapigil nito: Sa literal, Kaya masusunog ang Betel at walang makakapatay nito.

7 Nakakaawa kayo!

Ang katarungan

ay ginagawa ninyong marumi5:7 marumi: Sa literal, mapait na tanim.

at pinawawalang-halaga ninyo

ang katuwiran!

8 Ang Diyos ang lumikha

ng grupo ng mga bituing

tinatawag na Pleyades at Orion.

Siya ang nagpapalipas

ng liwanag sa dilim,

at ng araw sa gabi.

Tinitipon niya ang tubig

mula sa karagatan

upang pumunta sa mga ulap

at muling ibuhos sa lupa

sa pamamagitan ng ulan.

Panginoon

ang kanyang pangalan.

9 Agad niyang winawasak

ang matitibay na napapaderang bayan,5:9 napapaderang bayan: O malalakas na kawal.

at dinudurog ang napapaderang lungsod.

10 Kayong mga taga-Israel,

napopoot kayo sa humahatol nang tama

at nagsasabi ng totoo sa hukuman.

11 Inaapi ninyo ang mga mahihirap

at pinipilit na magbigay

sa inyo ng kanilang ani.5:11 magbigay sa inyo ng kanilang ani bilang buwis o upa sa lupa.

Kaya hindi kayo makakatira

sa ipinatayo ninyong mansyong bato,

at hindi kayo makakainom ng katas

mula sa itinanim ninyong mga ubas.

12 Sapagkat alam ko5:12 ko: O ng Diyos.

kung gaano karami at kabigat

ang inyong mga kasalanan.

Inuusig ninyo

ang mga taong walang kasalanan

at kinikikilan pa ninyo.

Hindi ninyo binibigyan ng hustisya

sa hukuman ang mga mahihirap.

13 Dahil naghahari ngayon ang kasamaan,

ang marurunong ay tumatahimik na lang.

14 Gawin na lamang ninyo ang mabuti

at huwag ang masama para mabuhay kayo,

at sasamahan kayo

ng Panginoong Diyos

ng mga Hukbo,

gaya nang inyong sinasabi.

15 Kapootan ninyo ang masama

at gawin ang mabuti,

at pairalin ninyo ang hustisya

sa inyong mga hukuman.

Baka sakaling maawa

ang Panginoong Diyos ng mga Hukbo

sa inyong mga natitira sa mga lahi ni Jose.

16 Kaya ito ang sinasabi ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo:

"Darating ang araw na maririnig

ang mga iyakan at panaghoy

sa mga plasa at mga lansangan.

Ipapatawag ang mga magsasaka

upang umiyak sa mga patay5:16 Ipapatawag … umiyak sa mga patay: Ang ibig sabihin, ang mga magsasaka ay makikipaglibing sa mga umusig sa kanila.

kasama ng mga taong inupahan

upang umiyak.

17 May mga iyakan din

sa inyong mga taniman ng ubas.5:17 Ang ubasan ay lugar ng kasayahan lalo na kapag panahon ng pagpitas ng mga bunga nito. Ngunit magiging lugar ito ng iyakan.

Mangyayari ito dahil parurusahan ko kayo,"

sabi ng Panginoon.

Ang Araw ng Paghatol ng Panginoon

18 Nakakaawa kayong naghihintay

sa araw ng paghatol ng Panginoon.

Huwag ninyong isipin

na araw iyon ng inyong kaligtasan.

Sapagkat iyon ang araw

na parurusahan kayo.

19 Para kayong taong nag-aakalang ligtas na siya

dahil nakatakas siya sa leon,

pero nasalubong naman niya ang oso.

O di kayaʼy nag-aakalang ligtas na siya

dahil nasa loob na siya

ng kanyang bahay,

ngunit nang isinandal niya

ang kanyang kamay sa dingding,

tinuklaw ito ng ahas.

20 Tiyak na darating ang araw

ng paghatol ng Panginoon

at itoʼy magdudulot ng kaparusahan

at hindi kaligtasan;

katulad ito ng dilim na walang liwanag

kahit kaunti man lang.

21 Sinabi ng Panginoon

sa mga Israelita,

"Napopoot ako sa inyong mga pista;

hindi ako nalulugod

sa inyong ginagawang pagtitipon.

22 Kaya kahit dalhan pa ninyo ako

ng sari-saring handog,

kahit pa ang pinakamabuting

handog pangkapayapaan

ay hindi ko tatanggapin.

23 Tigilan na ninyo

ang maingay ninyong awitan.

Ayokong makinig sa tugtog

ng inyong mga alpa.

24 Sa halip, nais kong makita

na pinapairal ninyo ang katarungan

at ang katuwiran na parang ilog

na patuloy na umaagos.

25 "Mga mamamayan ng Israel,

noong nasa ilang

ang inyong mga ninuno

sa loob ng apatnapung taon,

naghandog ba sila sa akin?

Hindi!

26 At ngayon

ay buhat-buhat ninyo si Sakut,

ang diyos-diyosang

itinuturing ninyong hari,

at si Kaiwan,

ang diyos-diyosan ninyong bituin.

Ginawa ninyo itong mga imahen para sambahin.

27 Kaya ipapabihag ko kayo

at dadalhin sa kabila pa ng ,"

sabi ng Panginoon na tinatawag

na Panginoong Makapangyarihan.

Pessoa
H3290
Jacó
יַעֲקֹ֑בyaaqovΙακωβIakob
Jacó, filho de Isaque, comprou de Esaú o direito de primogenitura, lutou com Deus em Peniel e recebeu o nome Israel; seus doze filhos deram origem às tribos (Gênesis 32:28).
Significado: “Aquele que segura pelo calcanhar (suplantador)”
Ver página completa
Pessoa
H3290
Jacó
יַעֲקֹ֑בyaaqovΙακωβIakob
Jacó, filho de Isaque, comprou de Esaú o direito de primogenitura, lutou com Deus em Peniel e recebeu o nome Israel; seus doze filhos deram origem às tribos (Gênesis 32:28).
Significado: “Aquele que segura pelo calcanhar (suplantador)”
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Betel
Hoje: Beitin (Betel)
בֵּֽיתְ־אֵלbet-el
Betel é a cidade antes chamada Luz, onde Deus se revelou a um homem que fugia do irmão e onde foi construído um altar; ali também foi posto um bezerro (Gênesis 35:7).
31,92° N, 35,24° L
Citado em 69 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Gilgal
Hoje: Khirbet el Mefjir
גִּלְגָּלgilgal
Gilgal foi o acampamento de Israel a leste de Jericó, onde o povo parou ao subir do Jordão e para onde Josué voltou com todo o Israel (Josué 4:19).
31,88° N, 35,46° L
Citado em 33 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Gilgal
Hoje: Khirbet el Mefjir
גִּלְגָּלgilgal
Gilgal foi o acampamento de Israel a leste de Jericó, onde o povo parou ao subir do Jordão e para onde Josué voltou com todo o Israel (Josué 4:19).
31,88° N, 35,46° L
Citado em 33 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Betel
Hoje: Beitin (Betel)
בֵּֽיתְ־אֵלbet-el
Betel é a cidade antes chamada Luz, onde Deus se revelou a um homem que fugia do irmão e onde foi construído um altar; ali também foi posto um bezerro (Gênesis 35:7).
31,92° N, 35,24° L
Citado em 69 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Betel
Hoje: Beitin (Betel)
בֵּֽיתְ־אֵלbet-el
Betel é a cidade antes chamada Luz, onde Deus se revelou a um homem que fugia do irmão e onde foi construído um altar; ali também foi posto um bezerro (Gênesis 35:7).
31,92° N, 35,24° L
Citado em 69 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Damasco
Hoje: Damasco, Síria
דַּמֶּ֫שֶׂקdammeseqΔαμασκόςDamaskos
Damasco é uma cidade dos arameus, com rei próprio, tomada pelo rei da Assíria. Saulo foi até lá com cartas para prender os que pertenciam ao Caminho (Atos 9:2).
33,51° N, 36,31° L
Citado em 58 versículos
Ver página completa
Todos os capítulos de Amos 9
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.