21 Sinabi ng Panginoon
sa mga Israelita,
"Napopoot ako sa inyong mga pista;
hindi ako nalulugod
sa inyong ginagawang pagtitipon.
22 Kaya kahit dalhan pa ninyo ako
ng sari-saring handog,
kahit pa ang pinakamabuting
handog pangkapayapaan
ay hindi ko tatanggapin.