5 "Ang hari ng timog11:5 hari ng timog: Maaaring ang tinutukoy dito hanggang sa talata 40|DAN 11:40 ay ang hari ng Ehipto. ay magiging makapangyarihan. Ngunit isa sa kanyang mga heneral ay magiging mas makapangyarihan kaysa sa kanya. At sa bandang huli, ang heneral na ito ay maghahari rin at magiging makapangyarihan ang kaharian niya. 6 Pagkalipas ng ilang taon, magsasanib ang dalawang kahariang ito, dahil ipapaasawa ng hari ng timog ang anak niyang babae sa hari ng hilaga.11:6 hari ng hilaga: Maaaring ang tinutukoy dito hanggang sa talata 40|DAN 11:40 ay ang hari ng Siria. Ngunit hindi magtatagal ang kapangyarihan ng babae pati ang kapangyarihan ng hari ng hilaga. Sapagkat sa panahong iyon, papatayin ang babae at ang kanyang asawaʼt anak,11:6 anak: Ito ang nasa ibang lumang teksto. Sa Hebreo, ama. pati ang mga naglilingkod sa kanya.11:6 naglilingkod sa kanya: O sumusuporta sa kanya.