Ang Pahayag ng Anghel tungkol sa Huling Panahon
1 "Sa panahong iyon,12:1 Sa panahong iyon: Ang huling panahon, ang panahon na mangyayari ang mga sinasabi sa 11:40-45. darating si Miguel, ang makapangyarihang pinuno12:1 pinuno: O anghel. na nagtatanggol sa iyong mga kababayan. Magiging mahirap ang kalagayan sa mga panahong iyon, at ang matinding kahirapang ito ay hindi pa nangyayari mula nang naging bansa ang Israel. Ngunit ililigtas sa paghihirap ang iyong mga kababayan na ang mga pangalan ay nakasulat sa aklat.12:1 aklat: Listahan ng mga taong may buhay na walang hanggan.