Aral sa mga Magulang at mga Anak
1 Mga anak, sundin ninyo ang mga magulang ninyo alang-alang sa Panginoon dahil ito ang nararapat gawin. 2 "Igalang mo ang iyong amaʼt ina." Ito ang unang utos na may kasamang pangako, 3 "upang maging mabuti ang iyong kalagayan at mabuhay ka nang matagal."
4 At kayo namang mga magulang6:4 magulang: Sa literal, mga ama., huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikasasama ng loob ng mga anak ninyo. Sa halip, palakihin ninyo sila nang may disiplina at turuan ng mga aral ng Panginoon.