Pular para o conteúdo
Publicidade

Efésios 6

13 Kaya gamitin ninyo ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay sa inyo ng Diyos, upang sa oras na dumating ang kasamaan ay magawa ninyong makipaglaban, at pagkatapos ng pakikipaglaban ay manatili pa rin kayong matatag.

14 Kaya maging handa kayo. Gawin ninyong sinturon ang katotohanan. Isuot ninyo ang pagkamatuwid bilang pananggalang sa dibdib ninyo. 15 Isuot ninyo bilang sapatos ang pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita na nagbibigay ng kapayapaan. 16 Hindi lang iyan, gamitin din ninyo bilang panangga ang pananampalataya ninyo upang hindi kayo tablan ng mga panunukso ni Satanas na parang mga palasong nagliliyab. 17 Isuot ninyo bilang helmet ang tinanggap ninyong kaligtasan, at gamitin ninyo bilang espada ang Salita ng Diyos na kaloob ng Espiritu.

18 At manalangin kayo sa lahat ng oras sa tulong ng Espiritu. Ipanalangin ninyo ang lahat ng dapat ipanalangin. Huwag kayong magpabaya; patuloy kayong manalangin lalo na para sa lahat ng mga hinirang.

Veja também