Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Taga-Galacia 1:15-18

OASD Ang Salita ng Diyos

15,16 Ngunit sa biyaya ng Diyos, bago pa man ako ipanganak, pinili na niya ako at tinawag para ihayag sa akin ang kanyang Anak upang maipangaral siya sa mga Hentil. Nang mangyari ito, hindi ako sumangguni kaninuman. 17 Hindi rin ako pumunta sa Jerusalem upang makipagkita sa mga naunang naging apostol kaysa sa akin. Sa halip, pumunta ako sa Arabia at pagkatapos ay bumalik ako sa Damasco.

18 Pagkatapos ng tatlong taon, pumunta ako sa Jerusalem para bisitahin si Pedro1:18 Pedro: O Cefas.. Dalawang linggo akong nakitira sa kanya.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    15 Nguni’t nang magalingin ng Dios Rom. 1:1,5.na siyang sa akin ay nagbukod, buhat pa sa tiyan ng aking ina, at tal.6.ako’y tawagin sa pamamagitan ng kaniyang biyaya,

    16 Na ihayag ang kaniyang Anak sa akin, Gawa 9:15;Gal. 2:7,8.upang siya’y aking ipangaral sa gitna ng mga Gentil; pagkaraka’y hindi ako sumangguni sa laman at sa dugo:

    17 Ni inahon ko man sa Jerusalem silang mga apostol na nangauna sa akin: kundi sa Gal. 4:25.Arabia ako naparoon; at muling nagbalik ako sa Damasco.

    18 Nang makaraan nga ang Gawa 9:23.tatlong taon Gawa 9:26-30.ay umahon ako sa Jerusalem upang dalawin si Cefas, at natira akong kasama niyang labing-limang araw.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.