27 Sapagkat sinasabi sa Kasulatan:
"Matuwa ka, baog na babae,
ikaw na hindi pa nagkakaanak!
Humiyaw ka sa kagalakan,
ikaw na hindi pa nakakaranas ng sakit sa panganganak.
Sapagkat kahit iniwan ka ng asawa mo,
mas marami ang magiging anak mo kaysa sa babaeng kapiling ang kanyang asawa."4:27 Isa. 54:1.
28 Mga kapatid, mga anak kayo ng Diyos ayon sa pangako niya, tulad ni Isaac na ipinanganak ayon sa pangako ng Diyos. 29 Noong una, si Isaac na ipinanganak ayon sa Espiritu ay inusig ni Ismael na ipinanganak ayon sa karaniwang panganganak. Ganoon din ang nangyayari ngayon; inuusig tayo ng mga taong nais magpaalipin sa Kautusan.