19 Ang mga taong sumusunod sa ninanasa ng laman ay makikilala sa gawa nila: seksuwal na imoralidad, kalaswaan, kahalayan, 20 pagsamba sa mga diyos-diyosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away, pagkainggit, pagkamakasarili,5:20 pagkamakasarili: O pagiging sakim. pagkagalit, pagkakawatak-watak, pagkakahati-hati, 21 pagkainggit, paglalasing, pagkahilig sa kalayawan, at iba pang kasamaan. Binabalaan ko kayo tulad ng ginawa ko na noon: Ang mga namumuhay nang ganito ay hindi mapapabilang sa kaharian ng Diyos.
22 Ngunit ito ang bungang makikita sa taong namumuhay sa kapangyarihan ng Espiritu: pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan, 23 kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito.