Ang Unang Hinaing ni Habakuk
2 Sinabi ni Habakuk,
"Panginoon, hanggang kailan po ako
hihingi ng tulong sa inyo
bago nʼyo ako dinggin?
Kailan nʼyo po ba kami ililigtas
sa mga karahasang ito?
3 Bakit nʼyo po ipinapakita sa akin
ang mga kasamaan at kaguluhan?
Kahit saan ay nakikita ko
ang patayan, karahasan,
hidwaan at pagtatalo.