Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Panaghoy 3:1-9

1 Isa ako sa mga nakaranas ng parusa ng Panginoon

dahil sa kanyang galit.

2 Pinalayas niya ako at pinalakad

sa dilim sa halip na sa liwanag.

3 Paulit-ulit niya akong pinarusahan

araw at gabi.

4 Pinahina ang aking katawan

at binali ang aking mga buto.

5 Sinalakay niya ako at ibinilanggo

sa paghihirap at pagdurusa.

6 Inilagay sa kadiliman

na parang isang tao na matagal nang patay.

7 Kinadena niya ako at ikinulong

upang hindi makatakas.

8 Kahit na humingi ako ng tulong,

hindi niya ako pinakinggan.

9 Hinarangan niya ng pader na bato ang aking landas,

at pinaliku-liko ang aking dadaanan.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Lamentações
Ver todos os capítulos de Lamentações