8 "Magtatanong din ako sa inyo, maaari bang nakawan ng tao ang Diyos? Parang imposible. Subalit ninanakawan ninyo ako.
"At itinatanong ninyo, ‘Paano namin kayo ninanakawan?’
"Ninanakawan ninyo ako dahil hindi ninyo ibinibigay ang inyong mga ikapu ng ikapu ng kanilang mga ani at mga hayop (Lev. 27:30-33; Deu. 14:22-29). at mga handog. 9 Iyan ang dahilan kung bakit ko isinumpa ang buong bansa. 10 Pero ngayon, hinahamon ko kayo na subukan ninyo ako," sabi ng Panginoon ng mga Hukbo. "Dalhin ninyo nang buo ang inyong mga ikapu sa bodega ng templo upang may pagkain sa aking templo. Kapag ginawa ninyo ito, padadalhan ko kayo ng ulan at ibubuhos ko ang sobra-sobrang pagpapala.