Publicidade

Mateus 1

Ang Kapanganakan ni Hesus, ang Mesias

18 Ganito nangyari ang kapanganakan ni Hesus, ang Mesias: Si Maria na kanyang ina ay ipinagkasundong ikasal kay Jose. Ngunit bago pa sila ikasal, nalaman ni Maria na siyaʼy nagdadalantao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. 19 Si Jose na mapapangasawa niya ay isang matuwid na tao at ayaw nitong malagay sa kahihiyan si Maria, kaya ipinasya niyang hiwalayan na lang si Maria nang palihim.

20 Ngunit habang pinag-iisipan niya ito, may isang anghel ng Panginoon na nagpakita sa kanya sa panaginip. Sinabi nito, "Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria dahil ang ipinagbubuntis niyaʼy mula sa Banal na Espiritu. 21 Manganganak siya ng isang lalaki at papangalanan mo siyang Hesus1:21 Ang ibig sabihin ng pangalang Hesus sa wikang Hebreo ay "nagliligtas ang Panginoon." dahil ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan."

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_12-11-46-