19 Si Jose na mapapangasawa niya ay isang matuwid na tao at ayaw nitong malagay sa kahihiyan si Maria, kaya ipinasya niyang hiwalayan na lang si Maria nang palihim.
20 Ngunit habang pinag-iisipan niya ito, may isang anghel ng Panginoon na nagpakita sa kanya sa panaginip. Sinabi nito, "Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria dahil ang ipinagbubuntis niyaʼy mula sa Banal na Espiritu.