2 Ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol:
una, si Simon (na tinatawag ding Pedro), at ang kanyang kapatid na si Andres,
sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo,
3 si Felipe, si Bartolome,
si Tomas, si Mateo na maniningil ng buwis,
si Santiago na anak ni Alfeo, si Tadeo,
4 si Simon na makabayan10:4 makabayan: Si Simon ay naging kabilang sa grupo ng mga Hudyong lumalaban sa mga taga-Roma., at si Judas Iscariote na siyang nagkanulo kay Hesus kinalaunan.