Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateus 12

10 at may lalaki roon na paralisado ang isang kamay. Naroroon din ang mga Pariseo na naghahanap ng maipaparatang kay Hesus, kaya tinanong nila si Hesus, "Ipinapahintulot ba sa Kautusan ang magpagaling sa Araw ng Pamamahinga?"

11 Sinabi ni Hesus sa kanila, "Halimbawa, may tupa kayong nahulog sa balon sa Araw ng Pamamahinga, pababayaan na lang ba ninyo? Hindi ba ninyo iaahon? 12 Higit pang mahalaga ang tao kaysa sa tupa! Kaya nga ipinapahintulot sa Kautusan ang paggawa ng mabuti sa Araw ng Pamamahinga."

13 Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa lalaking paralisado ang kamay, "Iunat mo ang iyong kamay!" Iniunat nga niya ang kanyang kamay at gumaling ito.

Veja também