Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateo 12

Ang Tanda ni Jonas

38 May ilang mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo na nagsabi kay Hesus, "Guro, pakitaan nʼyo kami ng isang tanda magpapatunay na sugo nga kayo ng Diyos."

39 Sumagot si Hesus, "Tanging ang henerasyon ng masasama at hindi tapat sa Diyos ang nanghihingi ng isang tanda. Ngunit walang ipapakita sa kanila maliban sa tandang katulad ng nangyari kay Propeta Jonas. 40 Kung paanong nasa tiyan ng dambuhalang isda si Jonas sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi, ganoon din naman ang mangyayari sa Anak ng Tao. Tatlong araw at tatlong gabi rin siya sa ilalim ng lupa.

Veja também