14 Sa kanila natupad ang sinabi noon ni Isaias:
‘Makinig man kayo nang makinig,
hindi kayo makakaunawa.
Tumingin man kayo nang tumingin,
hindi kayo makakakita.
15 Sapagkat matigas ang puso ng mga taong ito.
Hindi nakakarinig ang kanilang mga tainga,
at ipinikit nila ang kanilang mga mata,
dahil baka makakita sila at makarinig,
at maunawaan kung ano ang tama,
at magbalik-loob sila sa akin,
at pagalingin ko sila.’13:15 Isa. 6:9-10. Ito ay hango sa saling Septuagint.