3 Sumagot si Hesus, "At kayo din naman, bakit ninyo nilalabag ang utos ng Diyos dahil sa inyong mga tradisyon? 4 Halimbawa, sinabi ng Diyos, ‘Igalang ninyo ang inyong mga magulang,’15:4 Exo. 20:12; Deu. 5:16. at ‘Ang lumalapastangan sa kanyang mga magulang ay dapat patayin.’15:4 Exo. 21:17; Lev. 20:9.