Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateo 15

3 Sumagot si Hesus, "At kayo din naman, bakit ninyo nilalabag ang utos ng Diyos dahil sa inyong mga tradisyon? 4 Halimbawa, sinabi ng Diyos, Igalang ninyo ang inyong mga magulang,15:4 Exo. 20:12; Deu. 5:16. at Ang lumalapastangan sa kanyang mga magulang ay dapat patayin.15:4 Exo. 21:17; Lev. 20:9. 5 Ngunit itinuturo naman ninyo na kapag sinabi ng isang anak sa kanyang mga magulang na ang tulong na ibibigay niya sana sa kanila ay nakalaan na sa Diyos, 6 hindi na niya kailangang tumulong sa kanila. Pinawawalang-halaga ninyo ang utos ng Diyos dahil sa inyong mga tradisyon. 7 Mga pakitang-tao! Tamang-tama ang sinabi ng Diyos tungkol sa inyo sa pamamagitan ni Isaias:

8 Iginagalang ako ng mga taong ito sa mga labi lang nila,

ngunit malayo sa akin ang kanilang mga puso.

9 Ang pagsamba nila sa akiʼy walang kabuluhan;

pawang tuntunin ng tao ang kanilang katuruan.’ "15:9 Isa. 29:13.

Veja também