23 Kaya sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, napakahirap para sa isang mayaman ang makapasok sa kaharian ng Langit. 24 Mas madali pang makapasok ang kamelyo sa butas ng karayom kaysa sa makapasok ang isang mayaman sa kaharian ng Diyos."
25 Nabigla ang mga alagad nang marinig nila ito, kaya nagtanong sila, "Kung ganoon po, sino na lang ang maliligtas?"
26 Tiningnan sila ni Hesus at sinabi, "Imposible ito sa tao; ngunit sa Diyos, ang lahat ay posible."