Publicidade

Mateus 25

Ang Talinghaga tungkol sa Sampung Dalaga

1 "Sa araw na iyon, ang paghahari ng Langit ay maihahalintulad sa sampung dalagang lumabas na may dalang ilawan para salubungin ang lalaking ikakasal. 2 Ang lima sa kanilaʼy mangmang, at ang limaʼy matatalino. 3 Ang limang mangmang ay nagdala ng ilawan ngunit hindi nagdala ng reserbang langis, 4 habang ang limang matatalino naman ay nagdala ng reserbang langis para sa kanilang mga ilawan. 5 Natagalan ang pagdating ng lalaking ikakasal kaya ang mga dalaga ay inantok at nakatulog sa paghihintay.

6 "Nang hatinggabi na, biglang may sumigaw, Nariyan na ang ikakasal! Halikayoʼt salubungin ninyo!’ 

7 "Nagising ang sampung dalaga at inihanda ang kani-kanilang ilawan. 8 Sinabi ng mga mangmang sa marurunong, Pahingi naman ng kaunting langis; malapit na kasing mamatay ang mga ilawan namin.

9 "Sumagot sila, Hindi puwede, dahil hindi magkakasya sa atin ang langis. Pumunta na lang kayo sa tindahan at bumili ng para sa inyo.

10 "Kaya umalis ang mga mangmang na dalaga para bumili ng kanilang langis. Habang wala sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay sumáma sa kanya sa handaan. Pagpasok nila, isinara ang pintuan.

11 "Maya-mayaʼy dumating na ang limang mangmang na dalaga at nagsisigaw, Panginoon, panginoon! Papasukin nʼyo po kami.’ 

12 "Ngunit sumagot ang lalaki, Hindi ko kayo kilala.’ 

13 "Kaya magbantay kayo, dahil hindi ninyo alam ang araw o oras ng aking pagbabalik.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-