Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateo 25

Ang mga Tupa at mga Kambing

31 "Kapag ang Anak ng Tao ay dumating na bilang Hari, kasama ang lahat ng anghel, uupo siya sa kanyang dakilang trono. 32 Titipunin niya sa kanyang harapan ang lahat ng lahi sa mundo. Pagbubukud-bukurin niya sila, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at kambing. 33 Ang mga tupa ay ilalagay niya sa kanyang kanan, at ang mga kambing, sa kanyang kaliwa.

34 "Pagkatapos, ang Hari ay magsasabi sa mga tao sa kanyang kanan, Halikayo, kayong mga pinagpala ng aking Ama. Tanggapin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang likhain ang mundo. 35 Sapagkat nang nagutom ako ay pinakain ninyo ako, at nang nauhaw ako ay pinainom ninyo. Nang naging dayuhan ako ay pinatuloy ninyo ako sa inyong tahanan, 36 at nang wala akong maisuot ay binihisan ninyo ako. Nang may sakit ako ay inalagaan ninyo ako, at nang nasa kulungan ako ay dinalaw ninyo ako.

37 "Sasagot ang mga matuwid, Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom at aming pinakain, o nauhaw at aming pinainom? 38 Kailan namin kayo nakitang naging dayuhan at aming pinatuloy o walang maisuot at aming binihisan? 39 Kailan namin kayo nakitang may sakit o nasa kulungan at aming binisita?

40 "At sasagot ang Hari, Sinasabi ko sa inyo ang totoo, nang ginawa nʼyo ito sa pinakahamak kong mga kapatid, ginawa ninyo ito para sa akin.

41 "Pagkatapos, sasabihin naman ng Hari sa kanyang kaliwa, Lumayo kayo sa akin, kayong mga isinumpa ng Diyos! Doon kayo sa walang katapusang apoy na inihanda para sa diyablo at sa kanyang mga kampon na mga anghel. 42 Sapagkat nang nagutom ako ay hindi nʼyo ako pinakain, at nang nauhaw ako ay hindi nʼyo ako pinainom. 43 Nang naging dayuhan ako ay hindi nʼyo ako pinatuloy sa inyong tahanan, at nang wala akong maisuot ay hindi nʼyo ako binihisan. Nang may sakit ako at nasa kulungan ay hindi nʼyo ako inalagaan.

44 "At sasagot naman sila, Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom, nauhaw, naging dayuhan, walang maisuot, may sakit o nasa kulungan at hindi namin kayo tinulungan?

45 "At sasagot din ang Hari, Sinasabi ko sa inyo ang totoo, nang hindi ninyo tinulungan ang pinakahamak kong mga kapatid, ako ang hindi ninyo tinulungan.

46 "Itataboy ko ang mga taong ito sa walang hanggang kaparusahan, ngunit bibigyan ko ang mga matuwid ng buhay na walang hanggan."

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também