Publicidade

Provérbios 7

Babala Laban sa Babaeng Nangangalunya

1 Anak, sundin mo ang mga sinasabi ko sa iyo.

Itanim mo ito sa iyong isipan at

2 sundin ang mga iniuutos ko,

upang humaba ang buhay mo.

Ingatan mong mabuti

ang mga itinuturo ko

katulad ng pag-iingat mo

sa iyong mga mata.

3 Itanim mo sa iyong isipan

upang hindi mo makalimutan.

4 Ituring mong kapatid na babae

ang karunungan

at ang pang-unawa gaya ng isang

malapít na kaibigan.

5 Sapagkat ilalayo ka nila

sa masamang babaeng

nakakaakit ang pananalita.

6 Sa bintana ng aking bahay

dumungaw ako sa kurtina.

7 Nakita ko ang mga kabataang lalaki

na wala pang muwang sa buhay.

Isa sa kanila

ay salat sa karunungan.

8 Lumalakad siya patungo sa kanto

kung saan naroroon ang bahay

ng isang masamang babae.

9 Takip-silim na noon

at malapit nang dumilim.

10 Sinalubong siya

ng isang babaeng ang suot

ay katulad ng suot

ng isang babaeng bayaran.

Nakapagplano na siya

ng gagawin sa lalaking iyon.

11 Maingay siya at hindi mahiyain.

Hindi siya nananatili sa bahay.

12 Madalas siyang makita

sa mga lansangan, sa mga liwasan,

at sa mga kantong tambayan.

13 Paglapit ng lalaki

ay agad niya itong hinalikan

at walang hiya-hiyang sinabi:

14 "Katatapos ko lang tuparin

ang panata ko sa Diyos

at may natira pang pagkain

doon sa bahay

mula sa aking handog pangkapayapaan.

15 Kaya akoʼy lumabas

upang sa iyoʼy makipagkita.

Hinanap kita at sa wakas

ay natagpuan din kita.

16 Sinapinan ko na ang aking higaan

ng makulay na telang lino

mula pa sa Ehipto.

17 Nilagyan ko iyon ng pabangong

mira, aloe, at sinamon.

18 Kaya halika na, doon tayo

magpakaligaya hanggang umaga,

19 dahil wala rito ang aking asawa.

Naglakbay siya sa malayo.

20 Marami siyang dalang pera

at dalawang linggo pa

bago siya bumalik."

21 Kaya naakit niya ang lalaki

sa pamamagitan ng kanyang matatamis

at nakakaakit na pananalita.

22 Sumunod agad ang lalaki

na tulad ng bakang hinihila papunta sa katayan,

o tulad ng isang usa na patungo sa bitag,

23 at dooʼy papanain siyang

tatagos sa kanyang puso.

Para din siyang isang ibong nagmamadali

papunta sa bitag ng kamatayan,

ngunit hindi niya ito nalalaman.

24 Kaya mga anak, pakinggan ninyong mabuti

ang aking mga sinasabi.

25 Huwag kayong paaakit sa ganyang uri ng babae

at huwag ninyong hayaan na kayoʼy kanyang iligaw.

26 Marami na ang mga lalaking napahamak

dahil sa kanya.

27 Kapag pumunta kayo sa bahay niya,

para na rin kayong pumunta

sa mundo ng mga patay.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-15_21-32-39-