Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateus 4

Tinukso ng Diyablo si Hesus

1 Pagkatapos nito, dinala ng Espiritu si Hesus sa ilang para tuksuhin ng diyablo. 2 Doon ay nag-ayuno si Hesus nang apatnapung araw at apatnapung gabi, kaya nagutom siya. 3 Dumating ang manunukso at sinabi sa kanya, "Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, utusan mo ang mga batong ito na maging tinapay."

4 Ngunit sumagot si Hesus, "Sinasabi sa Kasulatan, Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.4:4 Deu. 8:3."

5 Pagkatapos, dinala siya ng diyablo sa Jerusalem, ang banal na lungsod, at pinatayo sa pinakatuktok ng Templo. 6 At sinabi niya kay Hesus, "Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan:

Uutusan ng Diyos ang kanyang mga anghel

na ingatan ka.

Bubuhatin ka nila

upang hindi tumama

ang iyong mga paa sa bato.4:6 Salmo 91:11-12."

7 Sinagot siya ni Hesus, "Sinasabi rin sa Kasulatan, Huwag mong susubukin ang Panginoon na iyong Diyos.4:7 Deu. 6:16."

8 Muli, dinala ng diyablo si Hesus sa isang napakataas na bundok. Ipinakita niya sa kanya ang lahat ng kaharian sa mundo at ang kadakilaan ng mga ito. 9 At sinabi ng diyablo kay Hesus, "Ang lahat ng iyan ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaʼy magpapatirapa at sasamba sa akin."

10 Ngunit sumagot si Hesus, "Lumayas ka, Satanas! Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, Sambahin mo ang Panginoon na iyong Diyos at siya lamang ang dapat mong paglingkuran.4:10 Deu. 6:13."

11 Pagkatapos nito, iniwan siya ng diyablo. Dumating ang mga anghel at naglingkod sa kanya.

Veja também