Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 5

Ang mga Unang Alagad ni Hesus

Mateo 4:18-22; Marcos 1:16-20

1 Isang araw, nakatayo si Hesus sa baybayin ng Lawa ng Galilea,5:1 Lawa ng Galilea: O Lawa ng Genesaret. at nagsisiksikan sa kanya ang napakaraming tao upang makinig ng salita ng Diyos. 2 May nakita siyang dalawang bangka sa baybayin. Nakababa na sa bangka ang mga mangingisda at naghuhugas na ng mga lambat nila. 3 Sumakay siya sa bangkang pag-aari ni at nakiusap dito na itulak iyon nang kaunti sa tubig. Naupo si Hesus sa bangka at nagturo sa mga tao.

4 Pagkatapos niyang mangaral, sinabi niya kay , "Pumalaot kayo at ihulog ang mga lambat ninyo."

5 Sumagot si , "Guro, magdamag po kaming nangisda pero wala kaming nahuli. Ngunit dahil sinabi ninyo, ihuhulog ko ulit ang mga lambat."

6 Nang magawa na nila ito, nakahuli sila ng napakaraming isda hanggang sa halos masira na ang kanilang mga lambat. 7 Kaya kinawayan nila ang kanilang mga kasama na nasa isa pang bangka para magpatulong. Tinulungan sila ng mga ito at napuno nila ng isda ang dalawang bangka, hanggang sa halos lumubog na sila.

8 Nang makita iyon ni , nagpatirapa siya sa paanan ni Hesus at sinabi, "Lumayo po kayo sa akin, Panginoon, dahil makasalanan ako." 9 Namangha siyaʼt natakot, pati ang mga kasamahan niya dahil sa dami ng nahuli nila, 10 gayundin sina at na mga anak ni , na mga kasosyo ni .

"Huwag kang matakot," sabi ni Hesus kay . "Mula ngayon, hindi na isda ang huhulihin mo kundi mga tao na." 11 Nang maidaong na nila ang kanilang mga bangka, iniwan nila ang lahat at sumunod kay Hesus.

Pinagaling ni Hesus ang Isang Lalaking May Sakit sa Balat

Mateo 8:1-4; Marcos 1:40-45

12 Minsan, habang nasa isang bayan si Hesus, may isang lalaking may malubhang sakit sa balat na lumapit sa kanya. Lumuhod ito sa harap niya at nagmakaawa. Sinabi niya, "Panginoon, kung gugustuhin po ninyo, mapapagaling nʼyo ako upang maituring akong malinis."

13 Hinawakan siya ni Hesus at sinabi, "Gusto ko. Gumaling ka!" At agad na nawala ang kanyang sakit sa balat.

14 Sinabihan siya ni Hesus, "Huwag mo itong sasabihin kahit kanino. Sa halip, pumunta ka sa pari at magpasuri. Pagkatapos, maghandog ka ayon sa iniutos ni bilang patunay na malinis ka na."

15 Subalit lalo pang kumalat ang balita tungkol kay Hesus, kaya dumating ang napakarami pang mga tao upang makinig sa mga aral niya at mapagaling sa kanilang mga sakit. 16 Ngunit laging pumupunta si Hesus sa ilang at doon nananalangin.

Pinagaling ni Hesus ang Isang Paralitiko

Mateo 9:1-8; Marcos 2:1-12

17 Isang araw habang nangangaral si Hesus, may mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan na nakaupo malapit sa kanya. (Nanggaling sila sa ibaʼt ibang bayan ng at , at maging sa .) At taglay ni Hesus ang kapangyarihan ng Panginoon para magpagaling ng mga may sakit. 18 Noon din ay may mga taong dumating na buhat-buhat ang isang lalaking paralitiko na nasa higaan. Sinikap nilang ipasok ito sa bahay upang mailagay sa harap ni Hesus. 19 Ngunit hindi sila makapasok dahil sa dami ng tao, kaya umakyat sila sa bubong at bumaklas ng bahagi nito. Pagkatapos, ibinaba nila sa harap ni Hesus ang paralitikong nasa kanyang higaan.

20 Nang makita ni Hesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, "Kaibigan,5:20 Kaibigan: Sa literal, Lalaki. pinatawad na ang iyong mga kasalanan."

21 Sinabi ng mga Pariseo at ng mga tagapagturo ng Kautusan sa kanilang sarili: "Sino ba ang taong ito na lumalapastangan sa Diyos? Tanging Diyos lamang ang nakakapagpatawad ng kasalanan!"

22 Alam ni Hesus ang iniisip nila, kaya tinanong niya ang mga ito, "Bakit ganyan ang iniisip ninyo? 23 Alin ba ang mas madaling sabihin: ‘Pinatawad na ang mga kasalanan mo,’ o ‘Tumayo ka at lumakad’? 24 Ngunit upang malaman ninyo na may kapangyarihan ang Anak ng Tao5:24 Titulong madalas gamitin ni Hesus para sa kanyang sarili. dito sa lupa na magpatawad ng kasalanan, papatunayan ko ngayon sa inyo." At sinabi niya sa paralitiko, "Bumangon ka, buhatin mo ang iyong higaan at umuwi!" 25 Bumangon nga agad ang paralitiko sa harap ng lahat, binuhat ang kanyang higaan, at umuwing nagpupuri sa Diyos. 26 Namangha ang lahat at pinuri nila ang Diyos. Napuno sila ng takot at sinabi nila, "Kamangha-mangha ang mga bagay na nakita natin ngayon!"

Tinawag ni Hesus si Levi

Mateo 9:9-13; Marcos 2:13-17

27 Pagkatapos nito, umalis si Hesus at nakita niya ang maniningil ng buwis na ang pangalan ay Levi. Nakaupo ito sa lugar kung saan siya naniningil ng buwis. Sinabi ni Hesus sa kanya, "Sumunod ka sa akin." 28 Tumayo si Levi, iniwan ang lahat at sumunod kay Hesus.

29 Nagdaos si Levi sa kanyang bahay ng malaking handaan para kay Hesus. Maraming maniningil ng buwis at iba pang mga tao ang dumalo at nakisalo sa kanila. 30 Nang makita ito ng mga Pariseo at ng mga kasama nilang mga tagapagturo ng Kautusan, nagreklamo sila sa mga alagad ni Hesus. Sinabi nila, "Bakit kayo kumakain at umiinom kasama ang mga maniningil ng buwis at iba pang mga makasalanan?"

31 Sinagot sila ni Hesus, "Hindi ang mga taong walang sakit ang nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga may sakit. 32 Naparito ako hindi upang tawagin ang mga taong matuwid, kundi ang mga makasalanan upang magsisi sila."

Ang Katanungan tungkol sa Pag-aayuno

Mateo 9:14-17; Marcos 2:18-22

33 May mga tao roon na nagtanong kay Hesus, "Ang mga alagad ni na Tagapagbaustimo at ng mga Pariseo ay madalas mag-ayuno at manalangin. Bakit ang mga alagad mo ay panay lang ang kain at inom?"

34 Sumagot si Hesus, "Mapag-aayuno ba ninyo ang mga panauhin sa kasalan habang kasama pa nila ang lalaking ikakasal? Siyempre, hindi! 35 Ngunit darating ang araw na kukunin sa kanila ang lalaking ikakasal, at saka sila mag-aayuno."

36 Sinabi rin ni Hesus sa kanila ang talinghagang ito: "Hindi ginugupit ang bagong damit para ipangtagpi sa luma. Kapag ginawa ito, masisira ang bagong damit, at ang telang itinagpi ay hindi babagay sa lumang damit. 37 Wala ring naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat. Kapag ginawa ito, papuputukin ng bagong alak ang sisidlan. Matatapon ang alak at masisira ang sisidlan. 38 Sa halip, inilalagay ang bagong alak sa bagong sisidlang-balat. 39 Wala ring taong nakainom na ng lumang alak ang maghahanap ng bagong alak, dahil tiyak na sasabihin niya, ‘Mas masarap ang luma.’ "

Pessoa
G4074
Pedro
ΠέτροςPétrosכֵּיפָאkeyfa
Pedro, chamado Simão, pescador da Galileia, foi um dos doze apóstolos; confessou Jesus como o Cristo, negou-o três vezes e depois pregou no Pentecostes (Mateus 16:16).
Significado: “Pedra, rocha”
Ver página completa
Pessoa
G4074
Pedro
ΠέτροςPétrosכֵּיפָאkeyfa
Pedro, chamado Simão, pescador da Galileia, foi um dos doze apóstolos; confessou Jesus como o Cristo, negou-o três vezes e depois pregou no Pentecostes (Mateus 16:16).
Significado: “Pedra, rocha”
Ver página completa
Pessoa
G4074
Pedro
ΠέτροςPétrosכֵּיפָאkeyfa
Pedro, chamado Simão, pescador da Galileia, foi um dos doze apóstolos; confessou Jesus como o Cristo, negou-o três vezes e depois pregou no Pentecostes (Mateus 16:16).
Significado: “Pedra, rocha”
Ver página completa
Pessoa
G4074
Pedro
ΠέτροςPétrosכֵּיפָאkeyfa
Pedro, chamado Simão, pescador da Galileia, foi um dos doze apóstolos; confessou Jesus como o Cristo, negou-o três vezes e depois pregou no Pentecostes (Mateus 16:16).
Significado: “Pedra, rocha”
Ver página completa
Pessoa
G4074
Pedro
ΠέτροςPétrosכֵּיפָאkeyfa
Pedro, chamado Simão, pescador da Galileia, foi um dos doze apóstolos; confessou Jesus como o Cristo, negou-o três vezes e depois pregou no Pentecostes (Mateus 16:16).
Significado: “Pedra, rocha”
Ver página completa
Pessoa
G2385
Tiago
ἸάκωβοςI̓ákōbosיַעֲקֹ֑בyaaqov
Tiago, filho de Zebedeu e irmão de João, foi um dos doze apóstolos, chamado por Jesus junto ao mar da Galileia, e morreu à espada por ordem de Herodes (Atos 12:2).
Citado em 19 versículos
Ver página completa
Pessoa
G2491
João
ἸωάννηςI̓ōánnēsיוֹחָנָןyochanan
João, filho de Zebedeu e irmão de Tiago, deixou o barco do pai para seguir Jesus, foi um dos doze apóstolos e esteve com ele na transfiguração (Marcos 1:19).
Significado: “O Senhor é gracioso”
Ver página completa
Pessoa
G2199
Zebedeu
ΖεβεδαῖοςZebedai͂osזַבְדִּיzavədiy
Zebedeu, pescador da Galileia, foi o pai dos apóstolos Tiago e João, que deixaram o barco e o pai para seguir Jesus (Mateus 4:21).
Significado: “O Senhor concede”
Ver página completa
Pessoa
G4074
Pedro
ΠέτροςPétrosכֵּיפָאkeyfa
Pedro, chamado Simão, pescador da Galileia, foi um dos doze apóstolos; confessou Jesus como o Cristo, negou-o três vezes e depois pregou no Pentecostes (Mateus 16:16).
Significado: “Pedra, rocha”
Ver página completa
Pessoa
G4074
Pedro
ΠέτροςPétrosכֵּיפָאkeyfa
Pedro, chamado Simão, pescador da Galileia, foi um dos doze apóstolos; confessou Jesus como o Cristo, negou-o três vezes e depois pregou no Pentecostes (Mateus 16:16).
Significado: “Pedra, rocha”
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Levi
Moisés
ΜωϋσῆςMōüsē͂sמֹשֶׁ֔הmosheh
Moisés, levita criado pela filha do faraó, foi chamado por Deus na sarça ardente, tirou Israel da escravidão do Egito e recebeu a lei no monte Sinai (Êxodo 3:4).
Significado: “Tirado das águas”
Ver página completa
Lugar Bíblico
Região / Território
Galileia
Hoje: Galileia (Norte de Israel)
ΓαλιλαίαGalilaiaגָּלִילgalil
A Galileia é a terra de Nazaré e de Caná, de onde Jesus veio para ser batizado por João no Jordão e de onde o seguiram multidões e mulheres (Marcos 1:9).
32,76° N, 35,53° L
Citado em 78 versículosTb.: Galiléia
Ver página completa
Lugar Bíblico
Região / Território
Judeia
Hoje: Judeia (Sul de Israel)
ἸουδαίαIoudaiaיְהוּדָהyehudah
Judeia é a terra onde fica Belém, cidade em que Jesus nasceu no tempo do rei Herodes. Pôncio Pilatos era governador da Judeia, e ali os judeus procuravam matar Jesus (Mateus 2:1).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 52 versículosTb.: Judéia
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Jerusalém
Hoje: Jerusalém, Israel
ἹερουσαλήμHierousalēmיְרוּשָׁלִַ֫םyerushalaim
Jerusalém é a cidade do templo de Deus, onde moraram filhos de Judá e de Benjamim; o exército babilônio derrubou os muros da cidade (2 Reis 25:10).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 955 versículos
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Levi
João
ἸωάννηςI̓ōánnēsיוֹחָנָןyochanan
João Batista, filho de Zacarias e Isabel, pregou no deserto o arrependimento, batizou Jesus no Jordão e foi decapitado por ordem de Herodes (Mateus 3:1).
Significado: “O Senhor é gracioso”
Ver página completa
Todos os capítulos de Lucas 24
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.