Ang mga Unang Alagad ni Hesus
16 Isang araw, habang naglalakad si Hesus sa tabi ng Lawa ng Galilea, nakita niya si Simon at ang kapatid nitong si Andres. Naghahagis sila ng lambat sa lawa sapagkat silaʼy mga mangingisda. 17 Sinabi ni Hesus sa kanila, "Halikayo, sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mangingisda ng mga tao." 18 Kaagad nilang iniwan ang mga lambat nila at sumunod sa kanya.
19 Patuloy na naglakad si Hesus, at sa di-kalayuan ay nakita naman niya ang dalawang anak ni Zebedeo na sina Santiago at Juan. Nasa bangka sila at nag-aayos ng kanilang lambat. 20 Agad silang tinawag ni Hesus. Iniwan nila sa bangka ang kanilang amang si Zebedeo at ang mga tauhan nila, at sumunod kay Hesus.