1 Pagkatapos nito, dinala ng Espiritu si Hesus sa ilang para tuksuhin ng diyablo. 2 Doon ay nag-ayuno si Hesus nang apatnapung araw at apatnapung gabi, kaya nagutom siya. 3 Dumating ang manunukso at sinabi sa kanya, "Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, utusan mo ang mga batong ito na maging tinapay."
4 Ngunit sumagot si Hesus, "Sinasabi sa Kasulatan, ‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.’4:4 Deu. 8:3."
5 Pagkatapos, dinala siya ng diyablo sa Jerusalem, ang banal na lungsod, at pinatayo sa pinakatuktok ng Templo. 6 At sinabi niya kay Hesus, "Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan:
‘Uutusan ng Diyos ang kanyang mga anghel
na ingatan ka.
Bubuhatin ka nila
upang hindi tumama
ang iyong mga paa sa bato.’4:6 Salmo 91:11-12."
7 Sinagot siya ni Hesus, "Sinasabi rin sa Kasulatan, ‘Huwag mong susubukin ang Panginoon na iyong Diyos.’4:7 Deu. 6:16."
8 Muli, dinala ng diyablo si Hesus sa isang napakataas na bundok. Ipinakita niya sa kanya ang lahat ng kaharian sa mundo at ang kadakilaan ng mga ito. 9 At sinabi ng diyablo kay Hesus, "Ang lahat ng iyan ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaʼy magpapatirapa at sasamba sa akin."
10 Ngunit sumagot si Hesus, "Lumayas ka, Satanas! Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, ‘Sambahin mo ang Panginoon na iyong Diyos at siya lamang ang dapat mong paglingkuran.’4:10 Deu. 6:13."
11 Pagkatapos nito, iniwan siya ng diyablo. Dumating ang mga anghel at naglingkod sa kanya.
12 Nang mabalitaan ni Hesus na ibinilanggo si Juan, bumalik siya sa Galilea. 13 Ngunit hindi na siya nanirahan sa Nazaretkundi sa Capernaum, isang bayan sa baybayin ng Lawa ng Galileaat sakop ng Zebulun at Neftali. 14 Sa ganitong paraan ay natupad ang sinabi ni Propeta Isaias:
15 "Ang mga lupain ng Zebulun at Neftali,
sa baybayin ng lawa,
sa kabila ng Ilog Jordan,
Galileang mga Hentil,
16 ang mga taong nabubuhay sa kadiliman
ay nakakita ng matinding kaliwanagan.
At kahit silaʼy nananahan
sa lilim ng kamatayan,
sila ay maliliwanagan."4:16 Isa. 9:1-2.
17 Mula nooʼy nagsimulang mangaral si Hesus, "Magsisi kayo sa inyong mga kasalanan at magbalik-loob sa Diyos, dahil malapit nang dumating ang kaharian ng Langit."
18 Habang naglalakad si Hesus sa tabi ng Lawa ng Galilea, nakita niya ang magkapatid na sina Simon(na tinatawag ding Pedro) at Andres. Naghahagis sila ng lambat sa lawa sapagkat silaʼy mga mangingisda. 19 Sinabi niya sa kanila, "Halikayo, sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mangingisda ng mga tao." 20 Kaagad nilang iniwan ang mga lambat nila at sumunod sa kanya.
21 At habang patuloy siyang naglalakad, nakita naman niya ang magkapatid na sina Santiagoat Juanna mga anak ni Zebedeo. Nasa bangka sila kasama ang kanilang ama at nag-aayos ng kanilang lambat. Tinawag din niya ang magkapatid. 22 Agad nilang iniwan ang kanilang bangka at ang kanilang ama, at sumunod kay Hesus.
23 Nilibot ni Hesus ang buong Galileahabang nagtuturo sa mga sinagoga at ipinapangaral ang Magandang Balita tungkol sa kaharian ng Diyos. At pinagaling din niya ang lahat ng uri ng sakit at kapansanan ng mga tao. 24 Naging tanyag siya sa buong lalawigan ng Siria, at dinala sa kanya ang lahat ng maysakit, at mga nagdurusa dahil sa matinding karamdaman: ang mga sinasapian ng demonyo, ang mga may epilepsiya at ang mga paralitiko. At pinagaling niya silang lahat. 25 Sinundan siya ng napakaraming tao mula sa Galilea, sa Decapolis, sa Jerusalem, at sa lahat ng bayan ng Judea, at sa mga lugar sa kabila ng Ilog Jordan.
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Jerusalém
Hoje: Jerusalém, Israel
ἹερουσαλήμHierousalēmיְרוּשָׁלִַ֫םyerushalaim
Jerusalém é a cidade do templo de Deus, onde moraram filhos de Judá e de Benjamim; o exército babilônio derrubou os muros da cidade (2 Reis 25:10).
João Batista, filho de Zacarias e Isabel, pregou no deserto o arrependimento, batizou Jesus no Jordão e foi decapitado por ordem de Herodes (Mateus 3:1).
A Galileia é a terra de Nazaré e de Caná, de onde Jesus veio para ser batizado por João no Jordão e de onde o seguiram multidões e mulheres (Marcos 1:9).
Cafarnaum é a cidade da Galileia, junto ao mar, onde Jesus foi viver ao deixar Nazaré; ali ele ensinou na sinagoga, e um centurião lhe pediu ajuda (Mateus 4:13).
A Galileia é a terra de Nazaré e de Caná, de onde Jesus veio para ser batizado por João no Jordão e de onde o seguiram multidões e mulheres (Marcos 1:9).
Jordão é o rio em cujo meio Josué ergueu doze pedras, onde pararam os sacerdotes que levavam a arca da aliança. A fronteira da terra descia ao longo do rio até o mar Salgado (Josué 4:9).
A Galileia é a terra de Nazaré e de Caná, de onde Jesus veio para ser batizado por João no Jordão e de onde o seguiram multidões e mulheres (Marcos 1:9).
Pedro, chamado Simão, pescador da Galileia, foi um dos doze apóstolos; confessou Jesus como o Cristo, negou-o três vezes e depois pregou no Pentecostes (Mateus 16:16).
Pedro, chamado Simão, pescador da Galileia, foi um dos doze apóstolos; confessou Jesus como o Cristo, negou-o três vezes e depois pregou no Pentecostes (Mateus 16:16).
Tiago, filho de Zebedeu e irmão de João, foi um dos doze apóstolos, chamado por Jesus junto ao mar da Galileia, e morreu à espada por ordem de Herodes (Atos 12:2).
João, filho de Zebedeu e irmão de Tiago, deixou o barco do pai para seguir Jesus, foi um dos doze apóstolos e esteve com ele na transfiguração (Marcos 1:19).
A Galileia é a terra de Nazaré e de Caná, de onde Jesus veio para ser batizado por João no Jordão e de onde o seguiram multidões e mulheres (Marcos 1:9).
A Síria é a região por onde correu a fama de Jesus, e o povo lhe trazia doentes, endemoninhados, epiléticos e paralíticos, que ele curava (Mateus 4:24).
A Galileia é a terra de Nazaré e de Caná, de onde Jesus veio para ser batizado por João no Jordão e de onde o seguiram multidões e mulheres (Marcos 1:9).
Decápolis é a região onde um homem anunciou o que Jesus fizera por ele, e que Jesus atravessou ao ir dos arredores de Tiro e Sidom para o mar da Galileia (Marcos 5:20).
Judeia é a terra onde fica Belém, cidade em que Jesus nasceu no tempo do rei Herodes. Pôncio Pilatos era governador da Judeia, e ali os judeus procuravam matar Jesus (Mateus 2:1).
Jordão é o rio em cujo meio Josué ergueu doze pedras, onde pararam os sacerdotes que levavam a arca da aliança. A fronteira da terra descia ao longo do rio até o mar Salgado (Josué 4:9).