Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 4:1-13

Tinukso ng Diyablo si Hesus

1 Umalis si Hesus sa Ilog na puspos ng Banal na Espiritu, at dinala siya ng Espiritu sa ilang. 2 Nanatili siya roon nang apatnapung araw, at sa mga araw na iyon, tinukso siya ng diyablo. Hindi siya kumain sa buong panahong iyon kaya gutom na gutom siya pagkatapos.

3 Sinabi sa kanya ng diyablo, "Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, utusan mo ang batong ito na maging tinapay."

4 Ngunit sinagot siya ni Hesus, "Sinasabi sa Kasulatan, ‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao.’ "4:4 Deu. 8:3.

5 Dinala siya ng diyablo sa isang napakataas na lugar, at sa isang iglap ay ipinakita sa kanya ang lahat ng kaharian ng mundo. 6 At sinabi ng diyablo kay Hesus, "Ibibigay ko sa iyo ang karapatang mamuno sa lahat ng ito at ang kadakilaang kalakip nito, dahil ipinagkaloob sa akin ang mga iyan at maibibigay ko sa kahit kanino ko gusto. 7 Kaya kung sasambahin mo ako, mapapasaiyo ang lahat ng iyan."

8 Ngunit sumagot si Hesus, "Sinasabi sa Kasulatan, ‘Sambahin mo ang Panginoon na iyong Diyos at siya lamang ang dapat mong paglingkuran.’ "4:8 Deu. 6:13.

9 Pagkatapos, dinala siya ng diyablo sa , sa pinakamataas na bahagi ng Templo, at sinabi sa kanya, "Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka. 10 Sapagkat sinasabi sa Kasulatan:

‘Uutusan ng Diyos ang kanyang mga anghel

na ingatan ka.

11 Aalalayan ka nila

upang hindi tumama ang iyong mga paa sa bato.’ "4:11 Salmo 91:11-12.

12 Ngunit sumagot si Hesus, "Sinasabi rin sa Kasulatan, ‘Huwag mong susubukin ang Panginoon na iyong Diyos.’ "4:12 Deu. 6:16.

13 Matapos siyang tuksuhin ng diyablo sa lahat ng paraan, iniwan siya nito at naghintay ng ibang pagkakataon.

Lugar Bíblico
Rio / Ribeiro
Jordão
Hoje: Rio Jordão
ἸορδάνηςIordanēsיַרְדֵּןyarden
Jordão é o rio em cujo meio Josué ergueu doze pedras, onde pararam os sacerdotes que levavam a arca da aliança. A fronteira da terra descia ao longo do rio até o mar Salgado (Josué 4:9).
31,76° N, 35,56° L
Citado em 202 versículosTb.: rio Jordão
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Jerusalém
Hoje: Jerusalém, Israel
ἹερουσαλήμHierousalēmיְרוּשָׁלִַ֫םyerushalaim
Jerusalém é a cidade do templo de Deus, onde moraram filhos de Judá e de Benjamim; o exército babilônio derrubou os muros da cidade (2 Reis 25:10).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 955 versículos
Ver página completa
Todos os capítulos de Lucas 24
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.