Pinagaling ni Hesus ang Lalaking May Sakit sa Balat
40 Lumapit kay Hesus ang isang lalaking may malubhang sakit sa balat.1:40 malubhang sakit sa balat: Ang Griyegong salita nito ay ginamit sa ibaʼt ibang klase ng sakit sa balat na itinuturing na marumi ayon sa Lev. 13. Lumuhod ito sa harap niya at nagmakaawa. Sinabi niya, "Kung gugustuhin po ninyo, mapapagaling nʼyo ako upang maituring akong malinis.1:40 upang maituring akong malinis: Kapag gumaling na ang taong may malubhang sakit sa balat, kinakailangan niyang magpasuri sa pari at sumailalim sa isang seremonya upang maituring na malinis."
41 Naawa si Hesus sa kanya, kaya hinawakan niya ito at sinabi, "Gusto ko. Gumaling ka!" 42 Agad na nawala ang kanyang sakit sa balat, at siyaʼy naging malinis.
43 Pinaalis agad siya ni Hesus at mahigpit na binilinan, 44 "Huwag mo itong ipagsasabi kahit kanino. Sa halip, pumunta ka sa pari at magpasuri. Dalhin mo ang handog na hinihiling ng Kautusan ni Moises sa mga taong gumaling sa sakit sa balat. Gawin mo ito bilang patunay sa mga tao na malinis ka na." 45 Ngunit pagkaalis niya ay ipinamalita niya ang nangyari sa kanya. Kaya kumalat ang balitang ito hanggang sa hindi na lantarang makapasok si Hesus sa mga bayan dahil pinagkakaguluhan siya ng mga tao. Kaya doon na lang siya nanatili sa mga ilang. Ngunit pumupunta pa rin doon ang mga tao mula sa ibaʼt ibang lugar.