Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 2

Pinagaling ni Hesus ang Isang Paralitiko

Mateo 9:1-8; Lucas 5:17-26

1,2 Pagkalipas ng ilang araw, bumalik si Hesus sa . Agad namang kumalat ang balitang naroon siya. Kaya napakaraming tao ang nagtipon doon sa tinutuluyan niya hanggang sa wala nang lugar kahit sa labas ng pintuan. Habang ipinapangaral niya sa kanila ang salita ng Diyos, 3 may mga taong dumating kasama ang isang paralitikong buhat-buhat ng apat na lalaki. 4 Dahil sa dami ng tao, hindi sila makalapit kay Hesus. Kaya binaklas nila ang bahagi ng bubong sa tapat ni Hesus at saka ibinaba ang paralitikong nasa kanyang higaan. 5 Nang makita ni Hesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, "Anak, pinatawad na ang iyong mga kasalanan."

6 Narinig ito ng ilang mga tagapagturo ng Kautusan na nakaupo roon. Sinabi nila sa kanilang sarili, 7 "Bakit siya nagbitaw ng ganyang mga salita? Kalapastanganan ʼyan sa Diyos! Tanging Diyos lamang ang nakakapagpatawad ng kasalanan!"

8 Alam ni Hesus ang kanilang iniisip, kaya sinabi niya sa kanila, "Bakit kayo nag-iisip ng ganyan? 9 Alin ba ang mas madaling sabihin sa paralitiko: ‘Pinatawad na ang iyong mga kasalanan,’ o ‘Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan at lumakad’? 10 Ngayon, patutunayan ko sa inyo na ang Anak ng Tao2:10 Titulong madalas gamitin ni Hesus para sa kanyang sarili. ay may kapangyarihan dito sa lupa na magpatawad ng kasalanan." At sinabi niya sa paralitiko, 11 "Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan at umuwi!"

12 Tumayo nga ang paralitiko, agad na binuhat ang kanyang higaan at lumabas habang nakatingin ang lahat. Namangha ang lahat at pinuri nila ang Diyos. Sinabi nila, "Ngayon lang kami nakakita ng ganito."

Tinawag ni Hesus si Levi

Mateo 9:9-13; Lucas 5:27-32

13 Muling pumunta si Hesus sa tabi ng lawa ng Galilea. Maraming tao ang pumunta roon sa kanya, at tinuruan niya ang mga ito. 14 Habang naglalakad siya, nakita niya si Levi na anak ni Alfeo. Nakaupo ito sa lugar kung saan siya naniningil ng buwis. Sinabi ni Hesus sa kanya, "Sumunod ka sa akin." Tumayo naman si Levi at sumunod kay Hesus.

15 Habang kumakain si Hesus at ang mga alagad niya sa bahay ni Levi, maraming maniningil ng buwis at iba pang mga itinuturing na makasalanan ang kumakaing kasama nila, dahil marami sa kanila ang sumusunod kay Hesus. 16 Nang makita ng mga Pariseong tagapagturo ng Kautusan na kasalo ni Hesus ang mga maniningil ng buwis at iba pang mga itinuturing na makasalanan, sinabi nila sa mga alagad niya, "Bakit kumakain siyang kasama ang mga maniningil ng buwis at iba pang mga makasalanan?"

17 Narinig iyon ni Hesus kaya sinagot niya ang mga ito, "Hindi ang mga taong walang sakit ang nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga may sakit. Naparito ako hindi upang tawagin ang mga taong matuwid, kundi ang mga makasalanan."

Ang Katanungan tungkol sa Pag-aayuno

Mateo 9:14-17; Lucas 5:33-39

18 Nang minsang nag-aayuno ang mga alagad ni na Tagapagbautismo at mga Pariseo, may mga taong lumapit kay Hesus at nagtanong, "Bakit hindi nag-aayuno ang iyong mga alagad, hindi tulad ng mga alagad ni at ng mga Pariseo?"

19 Sumagot si Hesus, "Nag-aayuno ba ang mga panauhin sa kasalan habang kasama pa nila ang lalaking ikakasal? Siyempre, hindi! Habang kasama pa nila ang lalaking ikakasal, hindi sila puwedeng mag-ayuno. 20 Ngunit darating ang araw na kukunin sa kanila ang lalaking ikakasal, at saka sila mag-aayuno."

21 Sinabi pa ni Hesus, "Walang nagtatagpi ng bagong tela sa lumang damit. Kapag ginawa ito, mahihila ng bagong tela ang damit at lalo pang lalaki ang punit. 22 Wala ring naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat, dahil puputok ang sisidlan at matatapon ang alak, at pareho itong hindi na mapapakinabangan. Sa halip, inilalagay ang bagong alak sa bagong sisidlang-balat."

Ang Katanungan tungkol sa Araw ng Pamamahinga

Mateo 12:1-8; Lucas 6:1-5

23 Isang Araw ng Pamamahinga, habang dumadaan sina Hesus sa isang triguhan, namitas ng trigo ang mga alagad niya upang kutkutin. 24 Kaya sinabi sa kanya ng mga Pariseo, "Tingnan mo ang mga alagad mo! Bakit sila gumagawa ng ipinagbabawal sa Araw ng Pamamahinga?"

25 Sumagot si Hesus, "Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan ang ginawa ni nang magutom siya at ang mga kasamahan niya, at wala silang makain? 26 Pumasok si David sa bahay ng Diyos noong si ang punong pari. Kumain si David ng tinapay na inihandog sa Diyos, kahit na ang mga pari lamang ang nararapat na kumain niyon, at binigyan pa niya ang kanyang mga kasamahan."

27 At sinabi pa ni Hesus sa kanila, "Nilikha ang Araw ng Pamamahinga para sa tao. Hindi nilikha ang tao para sa Araw ng Pamamahinga. 28 Kaya ang Anak ng Tao ang Panginoon maging ng Araw ng Pamamahinga."

Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Cafarnaum
Hoje: Kfar Nahum (Galileia), Israel
ΚαπερναούμKapernaoum
Cafarnaum é a cidade da Galileia, junto ao mar, onde Jesus foi viver ao deixar Nazaré; ali ele ensinou na sinagoga, e um centurião lhe pediu ajuda (Mateus 4:13).
32,88° N, 35,58° L
Citado em 18 versículos
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Levi
João
ἸωάννηςI̓ōánnēsיוֹחָנָןyochanan
João Batista, filho de Zacarias e Isabel, pregou no deserto o arrependimento, batizou Jesus no Jordão e foi decapitado por ordem de Herodes (Mateus 3:1).
Significado: “O Senhor é gracioso”
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Levi
João
ἸωάννηςI̓ōánnēsיוֹחָנָןyochanan
João Batista, filho de Zacarias e Isabel, pregou no deserto o arrependimento, batizou Jesus no Jordão e foi decapitado por ordem de Herodes (Mateus 3:1).
Significado: “O Senhor é gracioso”
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Judá
Davi
ΔαυιδDauidדָוִֽדdavid
Davi, filho de Jessé, era pastor em Belém quando Samuel o ungiu; venceu Golias, reinou sobre Israel em Jerusalém e escreveu muitos dos salmos (1 Samuel 16:13).
Significado: “Amado”
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Levi
Abiatar
ἈβιαθάρAbiathárאֶבְיָתָ֑רavəiyatar
Abiatar, filho de Aimeleque, escapou do massacre dos sacerdotes de Nobe e serviu Davi como sacerdote; Salomão o tirou do cargo por apoiar Adonias (1 Reis 2:27).
Citado em 29 versículos
Ver página completa
Todos os capítulos de Marcos 16
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.