Ang Katanungan tungkol sa Araw ng Pamamahinga
1 Isang Araw ng Pamamahinga, napadaan sina Hesus sa isang triguhan. Namitas ng trigo ang mga alagad niya, kiniskis ito sa mga kamay nila, at pagkatapos ay kinain ang mga butil. 2 Kaya sinabi ng ilang Pariseo, "Bakit kayo gumagawa ng ipinagbabawal sa Araw ng Pamamahinga?"
3 Sinagot sila ni Hesus, "Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan ang ginawa ni David nang magutom siya at ang mga kasamahan niya? 4 Pumasok siya sa bahay ng Diyos at kumuha ng tinapay na inihandog sa Diyos at kinain ito. Binigyan pa niya ang mga kasamahan niya, kahit na ang mga pari lamang ang nararapat na kumain niyon." 5 At sinabi pa ni Hesus sa kanila, "Ang Anak ng Tao ang Panginoon ng Araw ng Pamamahinga."