Pinagaling ni Hesus ang mga Maysakit
23 Nilibot ni Hesus ang buong Galilea habang nagtuturo sa mga sinagoga at ipinapangaral ang Magandang Balita tungkol sa kaharian ng Diyos. At pinagaling din niya ang lahat ng uri ng sakit at kapansanan ng mga tao. 24 Naging tanyag siya sa buong lalawigan ng Siria, at dinala sa kanya ang lahat ng maysakit, at mga nagdurusa dahil sa matinding karamdaman: ang mga sinasapian ng demonyo, ang mga may epilepsiya at ang mga paralitiko. At pinagaling niya silang lahat. 25 Sinundan siya ng napakaraming tao mula sa Galilea, sa Decapolis, sa Jerusalem, at sa lahat ng bayan ng Judea, at sa mga lugar sa kabila ng Ilog Jordan.