Ang Katuruan tungkol sa Pagkabalisa
25 "Kaya sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mag-alala tungkol sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakainin o iinumin, o tungkol sa inyong katawan, kung ano ang inyong susuotin. Hindi baʼt mas mahalaga ang buhay kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit?
33 Subalit pagsikapan muna ninyong gawin kung ano ang mahalaga sa kaharian ng Diyos6:33 kaharian ng Diyos: Ang ibig sabihin ay "paghahari ng Diyos na nahayag noong dumating si Kristo at ganap na mararanasan sa pagbalik niya." at sundin ang kanyang kalooban, at lahat ng mga pangangailangang ito ay ipagkakaloob niya sa inyo.