Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Taga-Roma 10:13-17

OASD Ang Salita ng Diyos

13 Sapagkat, "Ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas."10:13 Joel 2:32.

14 Ngunit paano sila tatawag kung hindi naman sila sumasampalataya sa kanya? At paano sila sasampalataya kung hindi pa sila nakakarinig ng tungkol sa kanya? At paano sila makakarinig kung walang mangangaral? 15 At paano makakapangaral ang sinuman kung hindi naman siya isinugo? Ayon sa Kasulatan: "Napakagandang pagmasdan ang pagdating ng mga nagdadala ng magandang balita."10:15 Isa. 52:7.

16 Ngunit hindi naman tinatanggap ng lahat ang Magandang Balita. Sinabi nga ni Isaias, "Panginoon, sino po ba ang naniwala sa sinabi namin?"10:16 Isa. 53:1. 17 Sasampalataya lang ang tao kung maririnig niya ang mensahe tungkol kay Kristo, at maririnig lang niya ito kung may mangangaral sa kanya.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    13 Sapagka’t, Ang Joel 2:32;Gawa 2:21.lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas.

    14 Paano nga silang magsisitawag doon sa hindi nila sinampalatayanan? at paano silang magsisisampalataya sa kaniya na hindi nila napakinggan? at paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?

    15 At paano silang magsisipangaral, kung hindi sila mga Gawa 13:2.sinugo? gaya nga ng nasusulat, Is. 52:7.Anong pagkaganda ng mga paa niyaong mga nagdadala ng masasayang balita ng mga bagay na mabuti!

    16 Datapuwa’t hindi silang lahat ay nakinig ng masasayang balita. Sapagka’t sinasabi ni Isaias, Is. 53:1;Juan 12:38.Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita?

    17 Kaya nga ang paniniwala’y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.