Papuri sa Diyos
33 Napakadakila ng kabutihan ng Diyos!
Napakalalim ng kanyang karunungan
at kaalaman!
Hindi natin kayang unawain
ang kanyang mga pasya at pamamaraan!
34 Gaya nga ng sinasabi ng Kasulatan:
"Sino ba ang nakakaunawa sa kaisipan ng Panginoon?
Sino ang makakapagpayo sa kanya?"11:34 Isa. 40:13.
35 "Sino ang nakapagbigay ng anuman sa kanya
upang tanawin niyang utang na loob?"11:35 Job 41:11.