Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Taga-Roma 12:1-3

OASD Ang Salita ng Diyos

Handog na Buháy

1 Kaya nga mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo alang-alang sa maraming pagkakataong kinaawaan tayo ng Diyos, na ialay ninyo sa kanya ang inyong mga sarili bilang mga handog na buháy, banal at kalugod-lugod sa kanya. Ito ang tunay na pagsamba sa kanya. 2 Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, upang malaman ninyo ang kalooban ng Diyos – kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.

Paglilingkod sa mga Mananampalataya kay Kristo

3 Sapagkat dahil sa biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa inyo: Huwag ninyong pahalagahan nang higit sa nararapat ang inyong sarili. Sa halip, suriin ninyong mabuti ang inyong kakayahan ayon sa pananampalatayang ibinigay ng Diyos sa inyo.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    1 Kaya nga, mga kapatid, 1 Cor. 1:10;2 Cor. 10:1.ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na Rom. 6:13.inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buháy, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba.

    2 At 1 Ped. 1:14.huwag kayong magsiayon 1 Juan 2:15.sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo Tit. 3:5.sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo Ef. 5:10,17;1 Tes. 4:3.kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.

    3 Sapagka’t sinasabi ko, sa pamamagitan ng biyaya na sa akin ay ibinigay, sa bawa’t tao sa inyo, na 1 Cor. 4:6.huwag magisip sa kaniyang sarili ng totoong matayog kay sa nararapat niyang isipin; kundi magisip na may kahinahunan, 1 Cor. 7:17;Ef. 4:7.ayon sa kasukatan ng pananampalataya na ibinahagi ng Dios sa bawa’t isa.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.