Magpasakop sa mga Pinuno ng Bayan
1 Magpasakop kayong lahat sa mga namumuno sa pamahalaan. Sapagkat ang lahat ng pamahalaan ay nagmula sa Diyos, at siya ang naglagay sa mga namumuno sa kanilang puwesto. 2 Kaya ang mga kumakalaban sa pamahalaan ay kumakalaban din sa itinalaga ng Diyos, at dahil ditoʼy sila rin ang nagdadala ng kaparusahan sa sarili nila. 3 Ang mga namumuno ay hindi dapat katakutan ng mga gumagawa ng mabuti. Ang dapat matakot sa kanila ay ang mga gumagawa ng masama. Gusto ba ninyong mabuhay nang hindi natatakot sa mga nasa kapangyarihan? Kung ganoʼn, gawin ninyo ang mabuti at pararangalan nila kayo.