Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Taga-Roma 15

1 Tayong malalakas sa pananampalataya ay dapat tumulong sa mga kapatid nating mahihina. Hindi lang ang sarili nating kapakanan ang dapat nating isipin, 2 kundi ang kapakanan din ng iba, upang mapalakas ang kanilang pananampalataya. 3 Maging si Kristo ay hindi hinangad ang sariling kapakanan, kundi ayon sa Kasulatan, "Nasaktan din ako sa mga panlalait na ginawa sa inyo."15:3 Salmo 69:9. 4 Ang lahat ng nakasulat sa Kasulatan noong unang panahon ay isinulat upang turuan tayo. At sa pamamagitan ng Kasulatan, tayoʼy magiging matatag at malakas ang loob, at magkakaroon ng pag-asa.

5 Nawa ang Diyos na nagpapalakas at nagbibigay sa atin ng pag-asa ay tulungan kayong mamuhay nang may pagkakaisa bilang mga alagad ni Kristo Hesus. 6 Sa ganoon, sama-sama kayong magpupuri sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

7 Kaya tanggapin ninyo ang isaʼt isa gaya nang pagtanggap ni Kristo sa inyo upang mapapurihan ang Diyos. 8 Sapagkat sinasabi ko sa inyo na isinugo ng Diyos si Kristo upang maglingkod sa mga Hudyo at ipakita na ang Diyos ay tapat sa pagtupad ng kanyang mga pangako sa kanilang mga ninuno, 9 at upang magpuri sa Diyos ang mga Hentil dahil sa kanyang habag. Ayon nga sa Kasulatan:

"Pasasalamatan kita sa harap ng mga Hentil,

at aawit ako ng mga papuri sa iyo."15:9 2 Sam. 22:50; Salmo 18:49.

10 At sinabi pa sa Kasulatan:

"Kayong mga Hentil,

makigalak kayo sa mga taong sakop ng Diyos."15:10 Deu. 32:43.

11 At sinabi pa,

"Kayong lahat na mga Hentil, purihin ninyo ang Panginoon.

Kayong lahat, purihin siya."15:11 Salmo 117:1.

12 Sinabi naman ni ,

"Magmumula sa lahi ni

ang isang mamumuno sa mga Hentil,

at aasa sila sa kanya."15:12 Isa. 11:10. Ito ay hango sa saling Septuagint.

13 Nawa ang Diyos na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang siya ring magbigay sa inyo ng buong kagalakan at kapayapaan dahil sa inyong pananampalataya sa kanya, upang patuloy na lumago ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.

Ang Dahilan ng Pagsulat ni Pablo

14 Mga kapatid, lubos akong naniniwala na puno kayo ng kabutihan, may sapat na kaalaman, at marunong magpaalala sa isaʼt isa. 15 Ganoon pa man, sumulat pa rin ako nang walang pag-aalinlangan tungkol sa mga bagay na dapat ipaalala sa inyo, dahil ipinagkaloob ng Diyos sa akin 16 na maging lingkod ni Kristo Hesus para sa mga Hentil. Naglilingkod ako sa kanila tulad ng isang pari at ipinapangaral ko ang Magandang Balita ng Diyos upang silaʼy maging handog na katanggap-tanggap sa kanya, na itinalaga sa kanya sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

17 At dahil akoʼy nakay Kristo Hesus, maipagmamalaki ko ang aking mga nagawa para sa Diyos. 18 Hindi ako mangangahas na magmalaki tungkol sa anumang bagay, maliban sa kung ano ang ginawa ni Kristo sa pamamagitan ko. Nahikayat ko ang mga Hentil na sumunod sa Diyos sa pamamagitan ng aking mga aral at gawa. 19 Binigyan niya ako ng kapangyarihang gumawa ng mga tanda at kababalaghan. At ang lahat nang itoʼy sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos. Kaya naipangaral ko ang Magandang Balita tungkol kay Kristo mula sa  hanggang Ilirico.

20 Ang tanging nais koʼy maipangaral ang Magandang Balita sa mga lugar na hindi pa naipapangaral si Kristo upang hindi ako makapangaral sa lugar na may gawaing sinimulan na ng iba. 21 Sinasabi sa Kasulatan:

"Ang mga hindi pa nasasabihan

tungkol sa kanya ay makakakita.

At ang mga hindi pa nakakarinig

ay makakaunawa."15:21 Isa. 52:15. Ito ay hango sa saling Septuagint.

22 Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakarating diyan sa inyo.

Ang Plano ni Pablo na Pagpunta sa Roma

23 Ngunit ngayong natapos ko na ang mga gawain ko rito, at dahil matagal ko nang gustong pumunta riyan, 24 inaasahan kong magkikita-kita na tayo ngayon. Dadaan ako riyan sa pagpunta ko sa España. At alam kong magiging masaya ako sa ating pagkikita kahit saglit lang. Inaasahan ko rin na matutulungan ninyo ako sa pagpunta ko sa España mula riyan.

25 Ngunit sa ngayon, kailangan ko munang pumunta sa  para ihatid ang tulong sa mga hinirang ng Diyos. 26 Sapagkat minabuti ng mga kapatid sa  at na magbigay ng tulong para sa mga mahihirap na hinirang ng Diyos doon sa . 27 Masaya nilang ginagawa ito, at ito ang nararapat, dahil may utang na loob sila sa mga kapatid sa . Kung ang mga Hentil ay nakabahagi sa pagpapalang espirituwal ng mga Hudyo, dapat lang na tulungan nila ang mga Hudyo sa mga pagpapalang materyal. 28 Pagkatapos kong maihatid ang nakolektang tulong sa mga kapatid sa Jerusalem, dadaan ako riyan sa inyo bago ako pumunta sa España. 29 Naniniwala ako na pagdating ko riyan, dala ko ang maraming pagpapala para sa inyo mula kay Kristo.

30 Kaya nakikiusap ako sa inyo, mga kapatid, alang-alang sa Panginoong Hesu-Kristo at sa pag-ibig na bigay ng Espiritu, tulungan ninyo ako sa pamamagitan ng inyong taimtim na panalangin sa Diyos para sa akin. 31 Ipanalangin ninyo na maligtas ako sa mga di-mananampalataya sa , at malugod na tanggapin ng mga hinirang ng Diyos sa  ang dala kong tulong para sa kanila. 32 Sa ganoon, masaya akong darating diyan sa inyo kung loloobin ng Diyos, at makakapagpahinga sa piling ninyo.

33 Patnubayan nawa kayo ng Diyos na nagbibigay ng kapayapaan. Amen.

Pessoa
H3470
Isaías
ΗσαιανĒsaianיְשַׁעְיָהוּyəsəhyahu
Isaías, filho de Amoz, foi o profeta que teve uma visão sobre Judá e Jerusalém nos reinados de Uzias, Jotão, Acaz e Ezequias. Enviou ao rei Ezequias a resposta do Senhor à oração sobre Senaqueribe, rei da Assíria (2 Reis 19:20).
Significado: “A salvação do Senhor”
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Judá
Jessé
ΙεσσαιIessaíיִשַׁיyishai
Jessé, belemita, neto de Boaz e Rute, foi o pai do rei Davi, o mais novo dos seus oito filhos (1 Samuel 16:1).
Citado em 33 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Jerusalém
Hoje: Jerusalém, Israel
ἹερουσαλήμHierousalēmיְרוּשָׁלִַ֫םyerushalaim
Jerusalém é a cidade do templo de Deus, onde moraram filhos de Judá e de Benjamim; o exército babilônio derrubou os muros da cidade (2 Reis 25:10).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 955 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Jerusalém
Hoje: Jerusalém, Israel
ἹερουσαλήμHierousalēmיְרוּשָׁלִַ֫םyerushalaim
Jerusalém é a cidade do templo de Deus, onde moraram filhos de Judá e de Benjamim; o exército babilônio derrubou os muros da cidade (2 Reis 25:10).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 955 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Região / Território
Macedônia
Hoje: Macedônia, Grécia
ΜακεδονίαMakedonia
Macedônia é a terra de onde, numa visão, um homem pediu a Paulo que passasse até lá e ajudasse; nela ficava Filipos, colônia romana onde Paulo ficou vários dias (Atos 16:12).
41,60° N, 22,54° L
Citado em 24 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Região / Território
Acaia
Hoje: Acaia (Peloponeso), Grécia
ἈχαΐαAchaia
Acaia é a região onde Gálio era procônsul e que, com a Macedônia, fez uma coleta para os pobres dentre os santos de Jerusalém (Romanos 15:26).
38,72° N, 22,54° L
Citado em 10 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Jerusalém
Hoje: Jerusalém, Israel
ἹερουσαλήμHierousalēmיְרוּשָׁלִַ֫םyerushalaim
Jerusalém é a cidade do templo de Deus, onde moraram filhos de Judá e de Benjamim; o exército babilônio derrubou os muros da cidade (2 Reis 25:10).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 955 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Jerusalém
Hoje: Jerusalém, Israel
ἹερουσαλήμHierousalēmיְרוּשָׁלִַ֫םyerushalaim
Jerusalém é a cidade do templo de Deus, onde moraram filhos de Judá e de Benjamim; o exército babilônio derrubou os muros da cidade (2 Reis 25:10).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 955 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Região / Território
Judeia
Hoje: Judeia (Sul de Israel)
ἸουδαίαIoudaiaיְהוּדָהyehudah
Judeia é a terra onde fica Belém, cidade em que Jesus nasceu no tempo do rei Herodes. Pôncio Pilatos era governador da Judeia, e ali os judeus procuravam matar Jesus (Mateus 2:1).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 52 versículosTb.: Judéia
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Jerusalém
Hoje: Jerusalém, Israel
ἹερουσαλήμHierousalēmיְרוּשָׁלִַ֫םyerushalaim
Jerusalém é a cidade do templo de Deus, onde moraram filhos de Judá e de Benjamim; o exército babilônio derrubou os muros da cidade (2 Reis 25:10).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 955 versículos
Ver página completa
Todos os capítulos de Mga Taga-Roma 16
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.