Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Taga-Roma 5:1-4

OASD Ang Salita ng Diyos

Kapayapaan at Pag-asa

1 Samakatuwid, ngayong itinuturing na tayong matuwid dahil sa pananampalataya natin kay Kristo, mayroon na tayong kapayapaang dulot ng magandang relasyon natin sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo. 2 Dahil sa pananampalataya natin sa kanya, tinatamasa natin ang kagandahang-loob ng Diyos at nagagalak tayo dahil sa ating pag-asang makakabahagi tayo sa kaluwalhatian ng Diyos. 3 At hindi lamang iyon, nagagalak din tayo kahit na dumaranas tayo ng mga paghihirap, dahil natututo tayong magtiis.

4 Alam natin na ang pagtitiis ay nagpapabuti sa ating pagkatao.5:4 nagpapabuti sa ating pagkatao: O nagbibigay-lugod sa Diyos. At kung mabuti ang ating pagkatao,5:4 kung mabuti ang ating pagkatao: O kung nalulugod ang Diyos sa atin. nagbubunga ito ng pag-asa.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    1 Yaman nga na Rom. 3:28,30.mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong Luc. 2:14.kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo;

    2 Sa pamamagitan din naman niya’y nangagkaroon tayo Ef. 2:18.ng ating pagpasok sa pamamagitan ng pananampalataya sa biyayang ito na diyan ay nagsisilagi tayo; at Heb. 3:6.nangagagalak tayo sa pagasa ng kaluwalhatian ng Dios.

    3 At hindi lamang gayon, kundi naman Mat. 5:12;1 Ped. 3:14.nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian Sant. 1:3.na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan;

    4 At ang katiyagaan, 2 Cor. 8:2;Sant. 1:3,12.ng pagpapatunay; at ang pagpapatunay, ng pagasa:

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.