Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Taga-Roma 5:1-5

OASD Ang Salita ng Diyos

Kapayapaan at Pag-asa

1 Samakatuwid, ngayong itinuturing na tayong matuwid dahil sa pananampalataya natin kay Kristo, mayroon na tayong kapayapaang dulot ng magandang relasyon natin sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo. 2 Dahil sa pananampalataya natin sa kanya, tinatamasa natin ang kagandahang-loob ng Diyos at nagagalak tayo dahil sa ating pag-asang makakabahagi tayo sa kaluwalhatian ng Diyos. 3 At hindi lamang iyon, nagagalak din tayo kahit na dumaranas tayo ng mga paghihirap, dahil natututo tayong magtiis.

4 Alam natin na ang pagtitiis ay nagpapabuti sa ating pagkatao.5:4 nagpapabuti sa ating pagkatao: O nagbibigay-lugod sa Diyos. At kung mabuti ang ating pagkatao,5:4 kung mabuti ang ating pagkatao: O kung nalulugod ang Diyos sa atin. nagbubunga ito ng pag-asa. 5 At hindi tayo mabibigo sa ating pag-asa dahil ibinuhos sa atin ng Diyos ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na ibinigay niya sa atin.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    1 Yaman nga na Rom. 3:28,30.mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong Luc. 2:14.kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo;

    2 Sa pamamagitan din naman niya’y nangagkaroon tayo Ef. 2:18.ng ating pagpasok sa pamamagitan ng pananampalataya sa biyayang ito na diyan ay nagsisilagi tayo; at Heb. 3:6.nangagagalak tayo sa pagasa ng kaluwalhatian ng Dios.

    3 At hindi lamang gayon, kundi naman Mat. 5:12;1 Ped. 3:14.nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian Sant. 1:3.na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan;

    4 At ang katiyagaan, 2 Cor. 8:2;Sant. 1:3,12.ng pagpapatunay; at ang pagpapatunay, ng pagasa:

    5 At ang pagasa ay Fil. 1:20.hindi humihiya; sapagka’t ang pagibig ng Dios ay nabubuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.