Si Adan at si Kristo
12 Noong nagkasala si Adan, pumasok ang kasalanan sa mundo. Ang kasalanan niya ay nagdulot ng kamatayan. Kaya mula noon, ang lahat ng tao ay namamatay dahil ang lahat ay nagkasala.
15 Ngunit magkaiba ang idinulot ng kasalanan ni Adan sa kaloob ng Diyos. Sapagkat dahil sa kasalanan ng isang tao, marami ang namatay. Ngunit nakahihigit pa rin ang kagandahang-loob ng Diyos at ang kaloob niya sa maraming tao sa pamamagitan din ng isang tao na walang iba kundi si Hesu-Kristo. 17 Dahil sa kasalanan ng isang tao, naghari ang kamatayan sa buong mundo. Ngunit dahil sa ginawa ng isa pang tao na si Hesu-Kristo, ang mga tumanggap sa masaganang biyaya ng Diyos at itinuring niyang matuwid ay mamumuhay nang matagumpay.
18 Kayaʼt dahil sa kasalanan ng isang tao, nahatulan ng kaparusahan ang lahat. Ganoon din naman, dahil sa matuwid na ginawa ng isang tao, ang lahat ay maituturing na matuwid at mabibigyan ng bagong buhay. 19 Kung dahil sa pagsuway ng isang tao ay marami ang naging makasalanan, ganoon din naman, dahil sa pagsunod ng isang tao ay marami ang ituturing na matuwid.