3 At hindi lamang iyon, nagagalak din tayo kahit na dumaranas tayo ng mga paghihirap, dahil natututo tayong magtiis.
4 Alam natin na ang pagtitiis ay nagpapabuti sa ating pagkatao. At kung mabuti ang ating pagkatao, nagbubunga ito ng pag-asa. 5 At hindi tayo mabibigo sa ating pag-asa dahil ibinuhos sa atin ng Diyos ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na ibinigay niya sa atin.