Patay sa Kasalanan at Buháy kay Kristo
1 Ano ngayon ang masasabi natin? Magpapatuloy ba tayo sa kasalanan para lalong madagdagan ang biyaya ng Diyos sa atin? 2 Siyempre hindi! Wala nang kapangyarihan ang kasalanan sa atin kaya hindi na tayo dapat magpatuloy sa pagkakasala.
6 Alam natin na ang dati nating pagkatao ay ipinako na sa krus kasama ni Kristo upang mamatay ang ating makasalanang pagkatao at nang hindi na tayo alipinin pa ng kasalanan.
11 At dahil nakay Kristo Hesus na kayo, ituring ninyo ang inyong mga sarili na patay na sa kasalanan at nabubuhay na para sa Diyos. 12 Huwag na ninyong paghariin ang kasalanan sa inyong katawang namamatay, upang hindi na ninyo sundin ang masasamang hilig nito. 13 Huwag na ninyong gamitin ang alinmang bahagi ng inyong katawan sa paggawa ng kasamaan. Sa halip, ialay ninyo ang inyong sarili sa Diyos bilang mga taong binigyan ng buhay. Ilaan ninyo sa Diyos ang inyong katawan sa pamamagitan ng paggawa ng nararapat sa kanyang harapan. 14 Sapagkat hindi na dapat maghari pa sa inyo ang kasalanan, dahil wala na kayo sa ilalim ng Kautusan kundi nasa ilalim na ng biyaya ng Diyos.