Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Taga-Roma 7:15,18,19,24,25

OASD Ang Salita ng Diyos

15 Hindi ko maunawaan ang aking sarili. Sapagkat hindi ko ginagawa ang mabubuting bagay na gusto kong gawin, sa halip, ang kinasusuklaman ko ang siya kong ginagawa. 18 Alam kong walang mabuti sa akin; ang tinutukoy ko ay ang makasalanan kong pagkatao, dahil kahit gusto kong gumawa ng mabuti, hindi ko ito magawa. 19 Dahil dito, ang mabubuting bagay na gusto kong gawin ay hindi ko magawa, pero ang mga bagay na kinasusuklaman kong gawin ang siya kong ginagawa.

24 Kawawa naman ako! Sino ang magliligtas sa akin sa makasalanan kong pagkatao na nagdudulot sa akin ng kamatayan? 25 Salamat sa Diyos, na nagliligtas sa akin sa pamamagitan ni Hesu-Kristo na ating Panginoon!

Ito ang aking kalagayan: Ang kaisipan ko ay nagpapasakop sa Kautusan ng Diyos, ngunit ang aking makasalanang pagkatao ay nagpapasakop sa kapangyarihan ng kasalanan.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    15 Sapagka’t ang ginagawa ko’y hindi ko nalalaman: Gal. 5:17.sapagka’t ang hindi ko ibig, ang ginagawa ko; datapuwa’t ang kinapopootan ko, yaon ang ginagawa ko.

    18 Sapagka’t nalalaman ko na Gen. 6:5;8:21.sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay hindi tumitira ang anomang bagay na mabuti: sapagka’t ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwa’t ang paggawa ng mabuti ay wala.

    19 Sapagka’t ang mabuti na aking ibig, ay hindi ko ginagawa: nguni’t ang masama na hindi ko ibig, ay siya kong ginagawa.

    24 Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa Rom. 6:6;8:23.katawan nitong kamatayan?

    25 Nagpapasalamat ako sa Dios 1 Cor. 15:57.sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin. Kaya nga tunay kong ipinaglilingkod ang aking pagiisip, sa kautusan ng Dios; datapuwa’t ang laman ay sa kautusan ng kasalanan.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.