Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Taga-Roma 8:12-17

OASD Ang Salita ng Diyos

12 Kaya nga mga kapatid, may tungkulin tayo, ngunit hindi sa pagsunod sa kagustuhan ng ating makasalanang pagkatao. 13 Sapagkat mamamatay kayo kapag namuhay kayo ayon sa inyong makasalanang pagkatao. Ngunit mabubuhay kayo kung susupilin ninyo ang inyong makasalanang pagkatao sa pamamagitan ng Espiritu.

14 Ang mga taong pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos. 15 At ang Espiritu na tinanggap ninyo mula sa Diyos ay hindi ibinigay upang magkaroon muli kayo ng takot, sa halip, upang kayoʼy maging mga anak ng Diyos. Ngayon, sa pamamagitan niya, matatawag na ninyong, "Abba,8:15 Ito ay Ama sa wikang Arameo. Ama" ang Diyos. 16 Ang Espiritu at ang ating espiritu ay parehong nagpapatunay na tayoʼy mga anak ng Diyos. 17 At bilang mga anak, mga tagapagmana tayo ng lahat ng pagpapalang inilaan ng Diyos para sa mga anak niya. At tayoʼy kasama ni Kristo na magmamana ng mga inihanda ng Diyos para sa kanya. Sapagkat kung magtitiis tayo kasama ni Kristo, makakasama rin tayo sa kanyang kaluwalhatian.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    12 Kaya nga, mga kapatid, mga may utang tayo, hindi sa laman, upang mabuhay ayon sa laman:

    13 Sapagka’t kung mangabuhay kayo ng ayon sa laman, ay mangamamatay kayo; datapuwa’t kung sa pamamagitan ng Espiritu ay Col. 3:5.pinapatay ninyo ang mga gawa ng laman, ay mangabubuhay kayo.

    14 Sapagka’t ang lahat Gal. 5:18.ng mga pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios, ay sila ang mga anak ng Dios.

    15 Sapagka’t Heb. 2:15.hindi ninyo muling tinanggap 2 Tim. 1:7;1 Juan 4:18.ang espiritu ng pagkaalipin sa ikatatakot; datapuwa’t tinanggap ninyo ang Gal. 4:5;Ef. 1:5.espiritu ng pagkukupkop, na dahil dito’y sumisigaw tayo, Gal. 4:6.Abba, Ama.

    16 Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo’y mga anak ng Dios:

    17 At kung mga anak, ay mga tagapagmana nga; Gal. 4:7.mga tagapagmana sa Dios, at mga kasamang tagapagmana ni Cristo; Gawa 14:22;2 Cor. 1:7;Fil. 1:20.kung gayon nga makipagtiis tayo sa kaniya, upang tayo’y lumuwalhati namang kasama niya.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.