Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Taga-Roma 8:18-27

Ang Napakagandang Kalagayan sa Hinaharap

18 Para sa akin, ang mga paghihirap sa buhay na ito ay hindi maihahambing sa kaluwalhatiang ihahayag sa atin balang araw. 19 Maging ang buong nilikha ay sabik na naghihintay na ihayag ng Diyos ang mga anak niya. 20 Sapagkat ang buong nilikha ay nabigong tuparin ang layuning para sa kanila. Nangyari ito hindi dahil ito ang gusto nila, kundi dahil ito ang kalooban ng Diyos. Subalit may pag-asa pa, 21 dahil palalayain din niya ang buong nilikha mula sa kabulukang umaalipin dito, at makakasama ito sa kalayaan at kaluwalhatian ng mga anak ng Diyos.

22 Alam natin na hanggang ngayon, ang buong nilikha ay dumaraing dahil itoʼy dumaranas ng matinding paghihirap na tulad ng isang babaeng nanganganak. 23 At hindi lamang ang buong nilikha, kundi pati tayong mga tumanggap ng Espiritu na siyang unang kaloob ng Diyos ay dumaraing din habang hinihintay natin ang pagpapahayag sa ganap na katayuan natin bilang mga anak ng Diyos at ang pagpapalaya sa ating mga katawan. 24 Sapagkat ito ang inaasahan natin noong tayoʼy naligtas. Umaasa tayo dahil hindi pa ganap na natupad ang inaasahan natin. Aasa pa ba tayo kung nakamit na natin ito? 25 Ngunit kung ang inaasahan natiʼy wala pa, maghihintay tayo nang may pagtitiyaga.

26 Tinutulungan tayo ng Espiritu sa kahinaan natin. Hindi natin alam kung ano ang dapat nating ipanalangin, kaya ang Espiritu na rin ang namamagitan sa Diyos para sa atin sa pamamagitan ng mga daing na hindi natin kayang sabihin. 27 At ang anumang nais sabihin ng Espiritu ay alam ng Diyos na siyang sumisiyasat sa puso ng mga tao. Sapagkat namamagitan ang Espiritu para sa mga tinawag na maging banal, kung ano ang ayon sa kalooban ng Diyos.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.